NAGSIMULA NA palang mag-taping ang Indio ni Sen. Bong Revilla, pero hindi pa siya kasali dahil inuna muna nu’ng bata pa siya.
Ipinakita na nga sa akin ang mga kuha nila na kinunan sa Caliraya at Pangasinan at kitang-kita talagang ginastusan nang husto.
Next year pa naman ito magsisimula at ito bale ang pinakamalaking pambulaga ng GMA 7 sa GMA Telebabad.
Kaya excited si Bong, dahil ito bale ang kauna-unahan niyang drama series.
Sabi nga niya, hindi na raw masusundan ‘yun, dahil tama na raw na nakagawa na siya ng isang drama series na parang isang malaking pelikula na.
Ang dami pang mga artistang involved kaya nakae-excite na rin at tiyak na aabangan ito ng mga manonood.
Ang isang excited sa Indio ay si Alden Richards na gaganap na teenager na Indio.
Malaking karangalan daw sa kanya na siya ang gaganap na batang Bong Revilla kaya pinaghandaan niya rin nang husto.
Gusto ni Bong si Alden dahil nakasama na niya ito noon sa Panday 2 at natuwa siya kay Alden dahil napaka-cooperative nito sa promo ng pelikula at lagi siyang available.
Nagkasama nga raw sila sa workshop at tuwang-tuwa ang young actor dahil napaka-simple daw ni Bong at down-to-earth. Kaya masaya siya at naging bahagi siya ng Indio.
Kasali rin dito sina Jennylyn Mercado, Sam Pinto, Rachell Ann Go, Rhian Ramos, Solenn Heusaff, Maxene Magalona at marami pang leading ladies.
Bongga, ‘di ba?
Nakuwento rin ni Rachel Ann na gaganap dapat siyang isang sirena na kumakanta. Kaya lang lagi raw siyang nakababad sa tubig, at nag-aalala ang GMA 7 dahil singer kasi si Rachel Ann, at baka makaapekto sa boses niya.
Kaya nakipagpalit siya ng role kay Sam Pinto. Hindi ko lang alam kung kakanta pa rin dito si Sam.
Hay, naku! Mukhang marami ngang dapat abangan dito sa Indio kaya hintayin n’yo ‘yan sa susunod na taon.
SA OCTOBER 20 pala ay isi-celebrate ng Startalk ang 17th anniversary nito. Parang kailan lang, at hindi ko akalaing aabot kami ng 17 years, huh! Ganu’n pa rin ang ginagawa ko, bati pa rin nang bati.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang mga malalaking istoryang ilalabas sa 17th anniversary namin.
Ang pagkakaalam ko, inaayos ang live guesting nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.
Hindi ko lang sure kung matutuloy sila dahil hanggang ngayon din ay hindi naman nagsasalita si Heart tungkol sa relasyon nilang dalawa.
Si Sen. Chiz lang ang umamin, pero hindi nagkomento si Heart. Ang sabi lang niya, gusto niya ng privacy sa relasyon nilang dalawa.
Basta masaya raw siya.
Naku, ha?! Bakit parang pinagdududahan pa rin ang relasyon nilang dalawa? Mukhang may gamitan daw ang tingin nila, dahil isinabay pa ang pag-amin sa pag-file ng candidacy ni Sen. Chiz.
Tingnan na lang natin kung aabot sila hanggang eleksyon.
Anyway, marami pang mala
king istoryang pinaghahandaan ngayon ang anniversary ng Startalk Abangan n’yo na lang!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis