MALAYO NA nga ang narating ni Alden Richards as an actor. Sunud-sunod ang kanyang drama series sa GMA-7. Kinakitaan ng husay sa pag-arte kaya’t flying high ang showbiz career nito. Hataw sa rating ang first team-up nila ni Marian Rivera na Carmela, Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.
Palibhasa very powerful ang acting performance na ipinapakita ni Alden sa bawa’t soap na gawin niya sa Kapuso Network kaya na-impress ang award-winning director na si Adolf Alix para kunin siya sa indie film nito na Kinabukasan with Nora Aunor at Rosanna Roces. Ito’y ilalahok sa foreign film festival, short film. The story revolves around reconcilliation, forgiveness and giving closure to unfinished business.
Surprisingly, tinawagan si Richard ni Direk Adolf at tinanong ang actor kung interesado siyang gumawa ng indie film. Agad-agad naman tinanggap ng binata ang offer, not knowing kung sino ang makakatrabaho niyang artista. Nang sabihin sa kanya ni Direk Adolf na makakaeksena niya si Ate Guy, biglang bumilis ang pintig ng puso nito sa sobrang excitement.
Kina Alden at Ate Guy magre-revolve ang story. Silang dalawa ang nasa title role. Sinabi ng hunk actor na pinaghandaan niya ito. Isang malaking challenge on his part kung hanggang saan niya kayang i-push ang acting ability as an actor. Ayaw nitong mapahiya sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Direk Adolf pati na rin kina Ate Guy at Osang.
Puring-puri ni Alden si Ate Guy, napaka-down to earth daw nito, hindi nakai-intimidate kausapin. As an actor, maraming siyang natutunan sa award- winning-actress. Kakaiba raw ang intensity of acting ng Superstar kapag kaeksena na niya ito.
“Madadala ka scene, ibibigay mo ang best performance na nalalaman mo. Actually, kakabahan ka, hahayaan ka ni Ate Guy at ni Direk ma-relax before the take para maging natural ang eksena. Marami kaming highlight ni Ate Guy rito, drama talaga siya. Salamat naman at nai-deliver ko nang tama ‘yung expectation nila sa akin,” say ni Alden.
Ayon kay Alden, very intriguing ang story. Anak siya ni Osang, teacher (lesbian) naman ang papel na ginagampanan ni Ate Guy. Magkakaroon ng relasyon ang dalawa, the conflict starts. Isang malaking karangan para sa hunk actor na makatrabaho niya ang Superstar, ganu’n rin si Rosanna.
Bilib kami kay Alden as an actor, wala siyang limitasyon sa pagtanggap ng mga project if worth doing it. Willing itong magpaka-daring sa bawat character na ipo-portray niya. Handa na rin siya to do sexy scene sa pelikula o telebisyon. Okay sa actor na naka-underwear lang siya sa eksena if necessary. Wala ring problema sa kanyang magkaroon ng love scene sa pelikula, mas madali raw gawin ‘yun.
Katuwiran pa ni Alden, hindi naman raw pupuwede na puro pa-cute na lang siya sa mga fans. Kailangan daw bigyan ng chance ang sarili niya ma-challenge sa bawa’t character na ginagampanan nito. Kapag natsa-challenge ang actor, ang feeling niya, naggo-grow siya as an actor. Naniniwala kasi ang hunk actor na dapat walang limitasyon, lahat kailangan subukan para ma-experience at maging versatile actor.
Ngayon nga plano ni Alden to get into sports like mountain climbing, trekking and biking. Interesado rin siya in extreme sports like bungee jumping.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield