ISA SI Alden Richards sa mga featured Cosmo hunks sa nakaraang ‘Ooh La Love’ party na in-organisa ng Camay at Cosmopolitan Magazine last Tuesday sa Republiq, Resorts World, Pasay.
Kasama ni Alden ng gabing ‘yun ang kapwa Cosmo hunks na sina Daniel Matsunaga, Mikael Daez at Joseph Marco.
Bungad niya sa amin, “Masaya ako dahil nare-recognize ako ng Cosmo (at isinasama sa kanilang events) and I’m very excited for tonight, magpakilig ng girls at kung sino ang mananalo.”
Hindi ganu’n kahaba ang aming panayam sa Kapuso actor dahil magsisimula na ang programa at kai-langan na nilang mag-ready para rito. Sa tanong kung tuluy-tuloy na ang kanyang pagpapa-sexy, sagot nito, “Ready nang magpa-sexy, reading-ready na. Basta maganda ‘yung role, maganda ‘yung story, why not.”
So wala nang pa-cute cute pa o pa-tweetums? Nakangiting sagot nito, “Wala na.”
Nauugnay ang pangalan ni Alden kay Julie Ann San Jose na ka-love team naman ni Elmo Magalona dati. Marami raw kasi ang nagri-react na Julielmo fans sa isyung ito. Ano naman kaya ang masasabi niya rito?
Ani Alden, “Of course, I understand sa mga fans na nagri-react dahil nga kami ang parang love team ngayon ni Julie. Eh, alam ko namang solid na yung Julielmo fans na ‘yan, wala nang titibag diyan, kahit sino, kahit ako hindi ko kaya.
“And I would just like to assure the fans na hindi ko sisirain yung Julielmo tandem, I’m here for Julie and Elmo as a friend. Nandito po ako bilang kaibigan, and wala po akong balak sumira ng kahit na anong may solid nang foundation.”
TWO SUNDAYS ago, nagpunta kami sa magarbong bahay ng Asia’s Next Top Model second placer na si Stephanie Retuya sa may Marina Bay, Macapagal Boulevard. Dito namin nalamang hindi pala pagmo-modelo ang una niyang naging pangarap noon.
Kuwento niya, “Not really, meron lang siyang stage when I was in high school na parang inisip ko na gusto kong maging model. Kasi when I was 14 years old, I was 5’8, so that’s what I thought. Pero ang dream ko talaga ay maging isang writer. And so it’s very different.”
Pero nitong mga early 20’s niya ay sinubukan na raw niya at parang gusto na raw niya ang pagmo-model. At nitong nalaman niyang naghahanap ng mga contestatnts ang Asia’s Next Top Model (ANTM), sinubukan daw niyang mag-audition.
Pahayag ni Steph, “Kasi meron sa internet, like they have this website na nagpapa-pass sila ng mga requirements, and then I think three of my friends told me about it. So I tried, so I just send them the 2 photos that they require, pagkatapos noon, they asked me to send a video tapos its just brief a video of me and my baby.”
So okay lang sa ANTM na may anak na ang kanilang mga kalahok? Dugtong nito, “It’s okay and its fine with them. Fourteen kami noong umpisang-umpisa. Actually meron akong kasabay sa plane na mula sa Philippines, pero nalaman ko Taiwanese pala siya, dito lang siya nag-stay at that time.”
Hanggang sa noong paparating na ang finals, unti-unti na raw siyang nagkaroon ng self-confidence. Hanggang sa inanunsiyo na ang top three among the fourteen candidates. Saad niya, “Na-surpirse na lang din talaga ako na kasama ako du’n sa pinagpipiliang manalo.
“Tatlo na lang kami, Taiwan, Thailand, and Philippines. Kasi ‘yung Thailand kasi she gets best photo every week. Tapos ako ‘yung underdog, lagi akong nasa bottom every week.”
Sa ngayon ay nasa Singapore na si Steph para sa isang modeling commitment for three months. Aniya, “Actually I’ll leave na for Singapore and I’ll be based there for two to three three months.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato