MATAPOS ANG kanyang sexy pictorial para sa Cosmo Magazine at ang kanyang pagrampa sa katatapos na Cosmo bash, ang expectation ng marami ay handa na nga si Alden Richards sa mature at daring roles. At hindi naman itinanggi ng Kapuso actor na gusto na nga niyang kumawala sa pa-cute na imahe.
“Gusto ko na ring baguhin ‘yong image ko,” aniya. “This time, gusto ko na challenging na medyo daring at mature. Kasi 21 na ako, eh. So, tapos na do’n sa stage na pa-cute pa-cute. Of course hindi pa rin po mawawala ‘yon. Pero mas gusto ko na pong mag-transform nang one step do’n sa dati.”
Habang naghihintay pa ng susunod niyang project pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin, sasamantalahin daw ni Alden ang pagkakataon na makapag-gym. Hindi raw siya nagkaroon ng sapat na panahon para rito noong busy siya sa trabaho.
“Buti na lang na no’ng time na hectic ang working schedule ko, nahanapan ko ng paraan na makapag-exercise ako kahit sa bahay lang. Buti na lang merong mga work out application na puwedeng gawin sa bahay. Do’n ako nag-effort talaga. Para kahit hindi ako nakakapag-work out sa gym, sa bahay puwede. Tapos diet din. I try to eat healthy foods.”
Thankful si Alden na siya ang nabigyan ng chance na mag-portray as young Robin Padilla sa 10,000 Hours na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival sa December. Hindi raw niya malilimutan ang karanasan na makatrabaho ang direktor nitong si Joyce Bernal.
“Ibang klaseng director siya. First time ko pong nakatrabaho si Direk Joyce. And action pa.Sumakit ‘yong katawan ko. Tuluy-tuloy kasi ang shooting namin. Tapos ang daming takes. Paulit-ulit ‘yong eksena. Parang nakakasuka na ‘yong hingal. Umabot po sa gano’ng point. Pero enjoy naman po ako,” sabi pa ni Alden.
NANINIWALA SI Jake Vargas na hindi agad-agad na mabubuwag ang loveteam nila ni Bea Binene. Maaaring may pinagdaanan daw sila ngayon matapos ang kanilang break up, pero naihihiwalay naman daw nila ang personal sa trabaho.
“Nandiyan pa rin ‘yong loveteam,” aniya. “And nandiyan pa rin ‘yong fans namin talaga na ayaw maghiwalay ang JaBea (tawag sa tandem nila ni Bea). So, hangga’t may sumusuporta, hindi naman basta-basta mawawala ‘yong loveteam namin.”
Apektado ba siya sa napapabalitang pagiging malapit nga nina Bea at Ken Chan ngayon?
“Sa akin, okey lang. Kasi kaibigan naman niya ‘yong mga ‘yon, eh. Walang problema sa akin. Kung saan masaya si Bea, masaya rin ako para sa kanya. Marami akong nababalitaan. Pero ang sa akin nga, kung okey siya, okey rin ako.”
Hindi siya nahi-hurt na si Ken na ang madalas na kasa-kasama ni Bea ngayon?
“Okey lang. Kasi masaya naman siya, eh. Okey naman at gusto niya ‘yong ginagawa niya sa ngayon. Ako naman, iniintindi ko na lang ang career ko. So, nagpu-focus ako sa trabaho at siyempre sa family ko, sa lahat ng mga mahal ko sa buhay.”
Dati, laging nasasabi ni Jake na masaya sila ni Bea sa isa’t isa. Hanggang biglang nagulat na lang ang lahat na nag-break sila. Hindi malinaw ang dahilan kung bakit dahil ayaw nilang magsalita hinggil dito. Kaya nananatiling malaking tanong what really went wrong sa relasyon nila.
“Ewan ko. Kasi, masyado pa kaming bata para magseryoso. Kung talagang kami, kami. Ako naman kasi, marami pa akong dapat gawin sa buhay. So, para sa akin, ini-enjoy ko lang ang mga ginagawa ko sa ngayon.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan