HINDI RAW iniisip ng Pambansang Bae na si Alden Richards and pagod sa dami ng trabahong kanyang ginagawa sa araw-araw, kahit nga halos magkasakit na ito.
Bukod sa Monday to Saturday regular hosting nito sa Eat Bulaga, may pelikula pa siyang ginagawa, ang My Bebe Luv, kabituin sina Vic Sotto, Ai Ai Delas Alas at ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.
Kasama pa riyan ang kanyang Sunday variety show na Sunday Pinasaya at ‘di mabilang na mall tours, out of town at out of the country shows, promo ng kanyang Platinum album, at shoot ng kanilang mga TV commercials ni Maine.
Pero kahit nga raw pagud-paguran na ito, okey lang kay Alden dahil ang mahalaga daw ay may trabaho siya at hindi nababakante.
Sylvia Sanchez, Most Outstanding Filipino Performer for Film and TV ng 2015 Gawad Amerika
KABABALIK PA lang sa bansa ng mahusay na actress na si Sylvia Sanchez mula sa Amerika, kung saan tumanggap ito ng award bilang Most Outstanding Filipino Performer for Film and TV sa Gawad Amerika 2015.
Kasabay na tumanggap ni Ms. Sylvia ang King of Talk na si Boy Abunda, at ang PAO Chief na si Atty. Persida Acosta sa nasabing prestigious award-giving body.
Ang Gawad Amerika ay labinlimang taon nang nagbibigay ng recognition sa mga Pinoy achievers sa kani-kanilang field of expertise tulad sa arts, cinema, public service, at marami pang iba.
Sa ngayon daw, balik-trabaho si Ms. Sylvia, kung saan regular itong napanonood sa top rating show ng ABS-CBN na Ningning .
ISA SA dapat abangan sa Pelikula ng Viva Films na Wang Fam ay ang mahusay na beteranang actress at tinaguriang ‘Aswang Queen’ na si Ms. Vangie Labalan.
Isa si Ms Vangie sa maituturing na A1 actress sa bansa at isa nga sa ‘di malilimutang pelikula nito ay ‘yung Aswang noong 1992 na pinagbidahan nina Manilyn Reynes at Aiza Seguerra, kung saan aswang din ang role nito.
Bukod sa pelikulang Wang Fam, regular ding napanonood si Ms. Vangie sa ABS-CBN teleserye na Ningning at nagko-conduct din ito ng acting workshops sa mga baguhan o mga artistang gusto pang matutong umarte.
UPGRADE, Kuya Germs, Gerphil Flores, Morissette Amon, at Jose Marie Chan awardee ng 34th Seal Of Excellence
ISA NA namang engrandeng gabi ng pagbibigay parangal ang magaganap sa Nov. 18, 6 p.m. via 34th Seal Of Excellence Awards sa AFP Theater, kung saan ilan sa tatanggap ng award ay ang grupo ng G-Force Dancers, ang Group Internet Sensation at image brand ambassador of Aficionado Germany Perfume na Upgrade, Freshmen & Nocturnal, kasama ang mahuhusay na mang-aawit na sina Justin Lee, Angelica Feliciano, Jose Mari Chan, Morisette Amon, at Gerphil Flores.
Tatanggap din ng parangal ang nag-iisang Master Showman ng local showbiz industry na si Mr. German “Kuya Germs” Moreno.
John’s Point
by John Fontanilla