MARAMI ANG nakakapansin na parang nag-iiwasan ngayon sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Dati ay naging very close sila to the point na napapabalita ngang parang may nabubuo nang special friendship sa pagitan nila.
Ngayon, linggu-linggo man silang nagkikita sa Sunday All Stars (SAS), hindi sila nag-uusap. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa.
“Wala po muna. Trabaho muna po ang focus namin,” nangiting pahayag ni Alden nang matanong namin.
Baka naman kinausap sila ng management ng GMA na iwasan nila na ma-link sa isa’t isa?
“Hindi naman po. Siguro po muna, kanya-kanya muna po kaming dalawa.”
Kung sabagay, parehong maganda ang takbo ng career nila ngayon. Si Julie Anne, katatapos lang tumanggap ng Triple Platinum at Quadruple Platinum awards para sa kanyang self-titled debut album.
Si Alden naman, busy sa pagpu-promote ngayon ng kanyang first album. At mataas ang ratings ng Mundo Mo’y Akin, ang primetime series na pinagtatambalan nila ni Louise delos Reyes.
“Malapit na po itong matapos. Ilang linggo na lang po ang taping namin. At marami pong magiging revelations.
“Marami pang mangyayari. May mamamatay. May ikakasal. ‘Yan po ang mga aabangan pa ng viewers?
Sa tingin niya, naka-recover nang tuluyan si Louise sa heartache na idinulot ng break-up nito at ni Enzo Pineda?
“A… siguro naman po. Kasi nakikita ko naman po sa trabaho niya. At nakikita ko rin sa kanya kapag nasa set kami na okey siya.
“So, happy naman po ako na makitang okey siya. Mas madali ko siyang nakakatrabaho kapag okey siya, e.”
May mga tagasubaybay ng kanilang tambalan na umaasang magiging sila rin sa totohanan.
“Hindi naman po natin maiiiwas sa kanila ‘yon. Pero talagang ako po… focused muna sa career. Wala munang lovelife. Masyadong mahirap magdesisyon nang bigla. Sayang ‘yong chances at opportunities na dumarating. Talagang zero time po ako kung panliligaw o lovelife ang pag-uusapan. Wala pa po ‘yan sa priorities ko.
“Sa ngayon, excited din po ako na magsisimula na kaming mag-shooting no’ng movie po ni Direk Joyce Bernal, ‘yong 10,000 Hours kasama po si Kuya Robin Padilla. I’ll play the role of Gabriel. Isa po siyang policeman na… martir. ‘Yong itinataya lagi ang kanyang buhay to catch bad guys at magampanan ang tungkulin niya bilang isang law enforcer. Very different po siya sa mga nagawa ko nang roles before. Malayo po talaga. And siguro po, mas may challenge ito. Kasi mas seryoso.”
Ayaw munang banggitin ni Alden kung ano ang pagkakaugnay ng role niya sa character ni Robin na siyang bida nga sa pelikula.
“Kasi po, iyon ‘yong parang surprise sa story. Na dapat, saka na lang mari-reveal kapag pinanood mo na ‘yong movie. Ang first scene ko kasi, ‘yong naghahabulan. Tapos hindi mo alam muna kung ano ba ang nangyayari. ‘Yong gano’n muna ang magiging feeling ng audience.”
First time ni Alden makakakasama sa trabaho si Robin. Hindi raw niya akalain na mabibigyan siya ng ganitong chance. How did she get into the said project which will be produced by Neil Arce?
“Sinabi lang po sa akin ng GMA Artists Center. And then… parang napag-usapan nga raw po nina Direk Joyce iyon. Na… gusto po nila akong kunin as one of he stars do’n sa movie. At ‘yon nga po ang nilu-look forward ko… na makapagsimula na kami ng trabaho together ni Kuya Robin. Sa story conference po, mabait siya, e. Do’n po kami unang nag-meet. At madali po siyang makapalagayan ng loob,” sabi pa ni Alden.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan