Sa dami nga ng umiintriga sa hottest loveteam ngayon sa bansa na AlDub, lalo na kay Maine Mendoza, lagi lang daw nasa tabi nito si Aden Richards para ipagtanggol at alalayan ang kanyang kapareha.
Ayon nga kay Alden Richards, “Sinasabi ko po na nandito naman ako palagi. We have each other’s backs at hindi kami maghihiwalay. Narito lang kami parati para sa isa’t isa at walang makapaghihiwalay sa amin.
“Ang laban ni Maine, laban ko rin. Lagi kaming magkasangga sa lahat ng darating na intriga sa aming dalawa .
“Sa lahat ng nagmamahal sa ‘min, maraming salamat kasi hindi sila nagsasawa, saka sila ‘yung nagdedepensa sa amin ni Maine.”
May mensahe rin ito sa kanilang mga bashers, “Du’n naman sa mga bashers, huwag n’yo sana kaming husgahan agad nang hindi n’yo alam kung saan kami nanggagaling. Mahirap kasi na hindi n’yo naman alam kung ano ‘yung totoong istorya kaya better yet, quiet na lang tayo,” ani Alden.
Angelu de Leon masaya sa panibagong extension ng “Buena Familia”
MASAYANG-MASAYA RAW si Angelu de Leon sa another extension ng top-rating soap nilang “Buena Familia” na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas.
Pangatlong extension na ito ng nasabing top-rating soap kaya naman daw biglang nag-flashback si Angelu ng mga nagawa na niyang mga soaps na umaabot ng taon.
Wish nga nito na tumagal din nang ilang taon ang “Buena Familia” at mangyayari lang daw ito sa tulong ng mga manonood na talaga namang walang sablay sa panonood araw-araw. At in behalf daw ng bumubuo ng “Buena Familia” ay nais nilang pasalamatan ang viewers ng kanilang soap.
Xeryle Ruz-Abad, itinayo ang Aura Ruz Aesthetics and Medical Group dahil sa panghuhusga sa kanyang hitsura
“BAWAT TAO, may kuwento. Iba-iba lang tayo ng kuwento at ito ang kuwento ng buhay ko, ang Aura Ruz.” Ito ang pahayag ng owner ng pinakabago at hightech na aesthetics and medical group, ang Aura Ruz, na si Ms. Xeryle Ruz-Abad sa mismong blessings at grand opening nito sa 2nd Level ng SM Center, Las Piñas.
“Basically talaga, hindi ako doctor, so lahat ng babae at tao, gusto gumanda at gusto ring sumeksi. As I’ve said, Aura Ruz is my story. Ito kasi ang kuwento ko eh. Basically kasi, ang Pinoy, mapanghusga sa hitsura ng tao. So, na feel ko ‘yun before, nasabi ko sa sarili ko na I want to be an owner of aesthetics.
“So, papano ko maa-achieve? I open it, binuksan ko ‘yung Aura Ruz and now we have four branches already. Nag-aral po ako for aesthetics, but hindi lahat ng doctors kayang magkaroon ng machines.
“Basically hindi sa pag-aaral eh, experience ang pinanghahawakan ko. ‘Yung services namin, purely machines and technology, walang operation.”
Papaano kung magkaroon ng bulilyaso? “We have a doctor inside po, but we only offer ‘yung aesthetics. Kasi sa US po, Aestheticians ang gumagawa, the doctor is the one who assist.
“Ang kaibihan namin sa ibang aesthetics center, of couse ako ‘yung model. Basically wala pa tayong nakikita na before na hitsura and after ng may-ari . And ‘yung mga machines namin, bagong-bago at high-tech.”
Why Ynna Asistio? “Oh, Ynna… what I see now is so fresh. Nakilala namin siya nu’ng nandu’n pa siya sa kabilang TV network (GMA 7). Nakita ko siya from big at ngayon may improvement na. Nakikita ko na ‘yung unti-unti niyang pagpayat. And wala pa siyang ini-endorse na ganito. She’s fresh and I believe na magakakaroon ng big transformation with Ynna. Gusto ko rin siyang tulungan for her career.”
Goal for Ynna, gaano kapayat ang target sa kanya. “Depende ‘yun sa bones ni Ynna. Depende rin ‘yun sa sipag niyang pumunta sa Aura Ruz. Makikita natin ‘yung big transformation ni Ynna as the weeks go on. As I’ve said, depende pa rin ‘yan sa sipag ni Ynna.”
How to promote Ynna? “Were going to have billboards, print ads, and social media,” pagtatapos ni Ms. Xeryle.
Who will be the next Mister of The Philippines 2016 ?
SUMMER IS fast approaching, panahon na naman ng mga pageant. At isa sa talaga namang inaabangan at prestigious male pageant ay ang Mister of The Philippines na nasa ika-pitong taon na.
At last year nga ang isa sa pinaka-memorable na taon sa pageant world sa bansa, dahil halos lahat ng kanilang candidate na ipinadala sa iba’t ibang pageant abroad ay naging finalist, habang ang iba naman ay nakapag-uwi ng titulo at isa na rito ang World Championships of Performing Arts Male Model of The World .
At ngayong taon nga ay muling maghahanap ang Mister of The Philippines, Inc. sa pangunguna ng president nitong si Dr. Joseph Pallera (dermatologist, aesthetic surgeon, and a practitioner of aesthetic medicine) na kanilang ipadadala at magiging representatives ng bansa sa Men Universe Pageant sa Punta Cana , Dominican Republic (July 5-15 , 2016), Mister Global in Thailand ( April 27- May 6 , 2016 ), Mister Global Teen 2016 (July 2016), at World Championships of Performing Arts for the Best Male Model of the World to be held in Long Beach, California, USA (tentaive), kung saan big prizes ang naghihintay sa mga mananalo.
Ang Coronation Night ng Mister of the Philippines 2016 ay magaganap sa April 14 , 2016 sa Tanghalang Pasigueño, City Hall Complex, Barangay San Nicolas, Pasig City.
Kaya sa lahat ng kalalakihan na may edad na 18-31, at least 5′ 9″ tall with pleasing personality, at Filipino citizen, magdala lamang ng original and photocopies of their birth certificate authenticated by the National Statistics Office, Philippine passport, hard and soft copies of their set cards, and swimwear. They must also come in white shirt and jeans/pants. Interested parties may call 0916.500.7455 or e-mail [email protected] for other details.
John’s Point
by John Fontanilla