Ang bilis naman ng sawa factor ng mga fans ng AlDub. Kung dati-rati’y aktibong-aktibo sila sa pagsuporta sa tambalan na nilikha ng noontime show na “Eat… Bulaga!”, naka-limang buwan pa lang ang tambalan (October ang masasabing launching ng tambalan ng dalawa sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan) tila marami na ang na-back out na suporta ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.
A showbiz friend na organizer ng isang showbiz event recently asked for sponsorship mula sa iba’t ibang fans ng AlDub Nation overseas (California, Alberta in Canada, and Singapore) was turned down by almost 7 fan groups from the countries mention. Dati naman daw kasi , ang bilis ng positive response ng naturang 7 fan groups sa kanya when she asked for support almost three months ago. But this time, kung gaano kabilis ang positive response sa kanya noon, ganun din kabilis ang pag-turn down sa request for sponsorship sa kanya.
Sa katunayan, ang isang lider ng isa sa 7 grupo, nag-text sa kanya stating the reason. To quote: “Sorry po pero nagsawa na po kami sa love team nila. We realized na mas gusto pala namin si Alden lang, and not Meng. Plano nga po naming sumalat sa GMA Pinoy TV dito sa USA requesting them na kung p’wedeng mag-produce naman ng teleserye for Alden Richards kahit wala si Maine.”
Ayon pa sa text message na nai-forward sa amin ng soure namin, noong una, sinakyan lang nila ang love team nila ni Maine. Noon ‘yun, oks ang dalawa pero nakakasawa na. “Hindi na po nagbago ang ginagawa nila sa kalyeserye. Sayang naman na walang magyayari sa career ni Alden after nilang ipartner ni Maine. ‘Di ba, sa showbiz, swerte-swerte na?
“Regarding po sa solicitation na hinihingi n’yo para sa event ninyo, pass po muna ang group namin. Maybe next time. ‘Pag may event po kayo na solo Alden we will try our best na mapagbigyan ko naman kayo. Pasenya na po,” ayon sa text message na ipinasa sa amin ng source namin.
Sa totoo lang, never akong naging fan ng AlDub. Never akong nagbaliw-baliwan sa kung ano man ang gustong itawid ng tambalan nila sa bayan.
Pero in fairness, yumaman na ang dalawa with their kakornihan. Pero until when? Hopefully, makatawid ang dalawa for a better Alden at Maine na matino naman na sa pagiging normal nila (not being a sintu-sinto) ay matanggap pa rin sila ng publiko.
Funny after hearing Maine’s real voice nang minsang mag-channel surfing ako, nakakatawa pala ang totoong boses niya. Parang hinalukay na balon. Hindi bagay sa ganda-gandahang peg niya. Goodluck, AlDub!
Reyted K
By RK VillaCorta