Alden Richards, makatatayong mag-isa kahit walang Yaya Dub

Alden-RichardsEXACTLY A week ago nang iprodyus ni Ai-Ai de las Alas ang benefit show na For The Love of Mama (Mary) at the SM Mall of Asia Arena.

With an estimated audience turnout—na ayon sa kaibigang Richard Pinlac—na 80%, hindi na ‘yun masama considering that it fell on a Monday, isang alanganing araw na malayo pa sa payday. But the concert success was expected: ang main featured guest naman kasi roon ay si Alden Richards.

Ang tagumpay ng show na ‘yon, kung saan ang proceeds ay inilaan ni Ai Ai para sa simbahan sa kanyang lugar sa Commonwealth, Quezon City was a testimonial that even without Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, Alden could stand on his own.

At the risk of sounding like a broken, pirated CD ay hindi kami magsasawang ulit-ulitin na kung anumang tagumpay ang tinatamasa ngayon ni Alden is a rare combination of these factors: work ethic/work attitude, pagkatao, humility, pagkamadasalin at pagmamahal sa kanyang pamilya most specially sa kanyang yumaong ina na sayang, hindi na nito naabutan noong nabubuhay pa.

Kuwento pa ni Richard, isinoli pa nga raw ni Alden ang iniabot na TF ni Ai Ai. But it’s not the equal gesture of charity ang nakakabilib kay Alden, it’s his whole being which is a rare find among actors his age.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMaine Mendoza, masyadong minamadali
Next articleJames Reid, constant date ang isang Brazilian model

No posts to display