HINDI MAKAPANIWALA si Alden Richards sa pagtitiwalang ibi-nigay sa kanya ng GMA-7 para maging primetime bida. “Unbelievable ‘yung feeling, mixed emotion na hindi ko alam kung paano po ako magpapasalamat sa isang taon ko rito sa showbiz. Sobrang natutuwa lang po ako, one year na last December 8. Sobrang daming nangyari, dami akong project sa GMA-7. Sobrang thankful ako sa Diyos sa paglagay niya sa akin sa network na ito. Mahal na mahal ko po talaga ang acting, dream ko talaga ang maging artista. Kami ni Louise, project after project, kami pa rin ‘yung nagkakatrabaho. It makes me feel comfortable kasi. ‘Yung tandem namin ni Louise as loveteam naba-back-up ng support from the network and from the viewers. Sana po mag-work ‘yung One True Love,” say ng young actor.
Hindi man pinalad maging grand winner ng Startruck si Alden, pinatunayan ng binata may kakayahan siyang maging isang sikat na artista. “Siguro ‘yung timing lang. Kapag nakikita nila na… if your really serious about your job doon ka nila ibi-build-up ng network,” wika niya.
Sa dinami-rami ng baguhang artista sa Kapuso Network, bakit sina Alden Richards at Louise de los Reyes ang binigyan ng break? Ano nga ba ang nakita sa kanila ng network? “Siguro ‘yung passion namin ni Louise as artista ng network. ‘Yung effort na ibinibigay namin every project. Nakikita siguro ng network ‘yung trabaho namin, bale 5th na naming project ito,” sambit ni Alden.
How do you describe Louise now, as an actor and as a person? “Si Louise po as an actress, every role, she makes it to the point na hindi magkakaroon ng common denominator. Louise offers something new, every role that she’s given. She’s very serious. In terms of being Louise naman as a person, sobrang ganu’n pa rin eversince we start kami. So, kaya siguro kami nagkakasundo as a tandem and as a loveteam kasi, walang nagbago sa aming dalawa,” sabi ng binata.
Alam natin kapag magka-loveteam, pinipilit minsan ng network na magkaroon ng something. Sa kaso nina Alden at Louise, pinipilit ba silang magkaroon ng mutual understanding para mag-click and tandem nila sa mga fans? “Ang nakakatuwa, hindi kami pini-pressure ng network at ng viewers na kailangan mayroon kayong something or kaya ng mga suporters. Kailangang offcam sweet kayo, walang ganu’n. Siguro isa ‘yun sa mga factors kaya okay ‘yung tandem namin ni Louise. Kung ano ‘yung feel namin na mas okay na kung saan kami magiging masaya parehas, we support each other. So, mas comfortable kami in that way,” paliwanag niya.
Hindi ba pumasok sa isip si Alden na ligawan si Louise? “Since ‘Alakdana’ days, nandu’n ‘yung attraction. Dumating sa point na gusto ko nang ligawan. Ako, on that point during ‘Alakdana’, wala pa sa isip kong pumasok sa serious relationship since I’m just starting baka ma-lose ‘yung focus. I have a lot of dreams for my family for myself and of course for God. Mas pinili ko muna ang career before entering to a relationship,” sagot nito.
Nakailang girlfriends na kaya si Alden before he enter showbiz? “I had four during high school. Right now, I just go out, meet people as much as I can. Kasi, ngayon ko lang nai-explore ‘yung to make my circle of friends bigger. I meet a lot of girls outside of showbiz, ini-enjoy ko muna ‘yun.”
Proud si Alden na ikinukum-para siya ngayon kay John Lloyd Cruz as an actor. “Before I started sa showbiz, nanonood ako ng mga films ni John Lloyd kasi sobrang idol ko talaga siya. ‘Yung style sa acting, John Lloyd Cruz. Siyempre, hindi mawawala ‘yung pressure. Kasi, GMA is investing on us as actor and actress on this network. Hardwork lang talaga ang kailangan naming ibalik sa GMA,” tugon niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield