Alden Richards, nakalabas na sa ospital!

Alden Richards
HINIHINTAY ng AlDub Nation at netizens  kung ano ang reaksyon ni Alden Richards sa open letter ni Maine. Pero naospital si Alden dahil nalason diumano sa pagkain.
 
Nakalabas na ng ospital si Alden nu’ng Miyerkules at pinagpahinga.
 
Bukas, Nov. 30  ay balitang magti-taping na si Alden  sa guesting niya sa “Dear Uge”  ng GMA 7.
 
“Sa lahat ng nagtatanong..okay naman po si Alden. Maraming salamat,’ tweet ng kanyang ama na si Daddy Bae.
 
 KYLINE ALCANTARA, NANAMPAL NG MAID!
 
NAG-UMPISA nang mag-taping ang bagong lipat sa Kapuso network na si Kyline Alcantara. Unang scene at taping pa lang sa “Kambal Karibal” ay nanampal na siya ng maid. Gaganap siyang third wheel nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
 
Sa mga hindi nakakaalam, dating Kapamilya si Kyline at gumanap na ‘Arlene’  sa seryeng “Annaliza”. Naging kapatid naman siya ni Elmo Magalona sa “Born For You”.
 
Kyline Alcantara

Anyway, hindi pinalagpas ng Kapuso viewers ang pagsisimula nu’ng Lunes ng pinakabagong Primetime series ng GMA na “Kambal, Karibal”.

 
Speaking of  Kyline,   isa  siya sa KKK na tampok  sa benefit concert for persons with disabilityngayong gabi, Nov. 29, 8PM  sa Laffline Timog.
 
Kasama niya sina Kiray Celis at ang Banda ni Kleggy .Ka-back to back nila si  Jireh Lim.
 
Ayon kay  Rich Salas na isa sa executive ng GEMS Multimedia Events & Productions ,Inc., ““KKK ang twist dahil sunod na araw po ang Bonifacio Day and kagaya ni Andres Bonifacio na isang bayani, maituturing din po nating mga bayani ang mga kapatid nating mga may kapansanan dahil  sila’y mapapakinabangan pa rin ng ating lipunan sa kanilang mga ipinakikitang mga talent. 
 
“Layunin po ng event na ito na makatulong sa mga kaibigan nating mga may kapansanan para sa kanilang pang-therapy at iba pang gastusin para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. At para na rin mas matulungan silang malibang ang kanilang sarili,
 
“Hindi lang po ito entertainment, bagkus ay makakatulong po tayo sa mga kaibigan nating may mga kapansanan sa Office of the Persons With Disability-Public Affairs Ministry (POPWD–PAM) na mga taga-Quezon city.”
 
May special participation  sa nasabing concert sina Loren Burgos, Alliyah, G2B Boyband.
 
Nariyan din ang mga GEMS artists na sina Atty. Jemina Sy, Michael Diamse, Joseph Tuazon, Dominic Ramos, Clara del Rosario, VJ Mendoza, Mackzene Sanchez, Hyannah Estanislao, Allen San Miguel, at marami pang iba.
 
For ticket inquiries, call/text 0995-2877243 and look for Ms. Bevz.
 
 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

Previous articleJameson Blake, ratsada sa sunud-sunod na pagbibida sa pelikula!
Next articleALDEN RICHARDS, MAS MALAKI ANG SAKRIPISYO SA ALDUB KESA KAY MAINE MENDOZA?

No posts to display