HINDI MAITATANGGING malaki ang nagawa ng kalyeseryeng AlDub ng Eat Bulaga sa career ni Alden Richards. Isa na siyang very indemand actor ngayon. Recently, nag-sign siya ng movie contract with APT Entertainment tapos last week, sa GMA Music naman for an album.
Mukhang magiging regular co-host na rin siya sa Eat Bulaga dahil sa pagiging superhit ng tambalan nila ni Yaya Dub. Matindi na rin ang pagdagundong ng tilian sa kanya ng fans sa Broadway Centrum sa segment niyang That’s My Bae.
Ano kaya ang pakiramdam ni Alden ngayon na parang dumating na talaga ang kanyang panahon? And in fairness, sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla, nasa kanya na ang lahat – marunong umarte, mag-host, at kumanta. I’m sure, unexpected para kay Alden ang mga bagong pangyayari sa kanyang career ngayon.
Maging si Yaya Dub, kinukuyog na rin ng fans ngayon para magpa-picture. Wala pa siyang one month sa TV, pero matindi na agad ang impact na nilikha niya sa televiewers at ramdam na ramdam ‘yon tuwing tanghali, huh!
Base sa obserbasyon ng marami, si Yaya Dub ang reponsable sa lalong pagsikat ni Alden, huh! Pero in fairness to Alden, dahil din naman sa kaguwapuhan niya kaya nagkaroon ng kilig factor sa kanila ni Yaya Dub. Kumbaga, they compliment with each other kaya nagkaroon ng kilig ang AlDub.
Congratulations sa Eat Bulaga dahil bukod sa entertainment na pino-provide ng naturang kalyeserye ay ipinaalala rin nila ang good values na dapat ay hindi kinalilimutan ng kabataang Pinoy which is ‘yung hindi dapat minamadali ang lahat at dapat ay pinaghihirapan.
La Boka
by Leo Bukas