Last Thursday night inuwi ni Alden Richards ang 28th PMPC Star Awards for Television as Best Actor dahil sa kanyang performance sa historical mini-serye na “Ilustrado” para sa GMA NewsTV.
Sa katunayan, naglikha ng konting kaguluhan for almost 15 minutes nang umupo si Alden sa harap ng entablado (katabi nina Liza Soberano at Enrique Gil). Ang mga fans niya ay nagkagulo at gusto nang makalapit sa kanya para makapagpakuha ng pictures. Kaya nga saglit na nahinto ang proceedings ng awarding ceremony at kailangang dalhin sa backstage si Alden at doon paupuin para ma-pacify ang mga fans.
Wow, si Alden, best actor na (but I don’t like his acting sa naturang serye kung acting mang masasabi ‘yun) over other actors who have proved their acting skills.
Yes, I admit, Alden is the flavor of the month at kung acting din lang naman ang pagbabasehan, sa puntong ito nagdududa ako. Being popular is not a reason para tanghaling “Best Actor.”
I have nothing against Alden. Mabait daw siya sabi ng mga kaibigan ko. Kahit sikat ito ngayon, walang nagbago sa kanya. He is still the same Alden with a ready smile sa lahat.
I just hope, after winning the award ay magsimula na rin siyang mag-aral umarte. ‘Yong arte na totoo, ha?!
Reyted K
By RK VillaCorta