SIX YEAR na ang nakararaan mula nang mamatay ang ina ni Alden Richards. Pero patuloy pa rin daw isini-celebrate ng aktor ang Mother’s Day para rito.
“Kasi ‘yong mom ko, wala lang siya ngayon physically,” aniya nga. “Pero andiyan pa rin siya in every sense, possible, spiritual… sa puso ko, sa isip ko, ando’n pa rin siya.
“Siyempre kahit papa’no… may flower arrangements sa bahay para sa urn niya. Kasi ‘yong urn po ng mom ko, nasa bahay lang. Parang in that way, you honor the celebration for her. And then kapag naman birthday niya, gano’n din. So, technically, wala lang siya. Pero ‘yong celebration, tuluy-tuloy pa rin po.”
Last two weeks na lang ng airing ng Carmela, ang primetime series ng GMA, kung saan leading man siya ng bida rito na si Marian Rivera. Meron na ba siyang kasunod na soap pagkatapos nito?
“Wala pa po, e. Baka po gagawin ko muna ‘yong movie with Aljur (Abrenica),” pagtukoy niya sa pelikulang Cain At Abel na malapit na ngang magsimula ng shooting.
“And then may isa pa po akong movie na gagawin with Max Collins, LJ Reyes, and some foreign actors po. Heavy drama rin po ito. But I can’t give much details pa about it. Basta… it’s an indie film. Foreigner po ang producer nito… mga taga-Doha.
“And then pupunta po ako sa U.S. sa June. Meron po kaming show roon ni Marian (Rivera), Kuya Ogie (Alcasid) and Ate Regine (Velasquez) for a telecommunications brand. It’s gonna be in L.A. and San Francisco. So, nag-ask po ako ng one week extension na makapag-stay roon para at least before ako bumalik sa work e, nakapagbakasyon naman po ako. Mag-stay ako roon sa San Francisco for a short vacation with aunt na sister ng dad ko. Matagal din na sunud-sunod ang trabaho ko. Kaya gusto kong makapag-break sandali tapos back to work na ulit.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan