SA DINAMI-RAMI NG nag-audition para maging leading man ni Louise delos Reyes sa Alakdana ng GMA-7. Masuwerteng napili ang commercial model na si Alden Richards as Joma, childhood friend ni Adana who is secretly in love with her. Very potential ang binata, pinapirma ng 5-year contract ng Kapuso network.
“Sobrang thankful po ako sa GMA-7 na binigyan ako ng break kahit baguhan pa lang ako, sambit niya. “Very challenging din po at the same time, kasi there’s so much expectation po. GMA is a big network, hindi po sila magbibigay sa isang baguhan na hindi sila sigurado. It’s a big risk ‘yun sa akin kaya hindi ko sila bibiguin.
“Actually, hindi po namin alam na Alakdana ‘yun. Nag-audition kami with Direk Mac Alejandre. Lima po kami du’n tapos may script, pinabasa kami ng lines. Kumbaga, dalawang character po ‘yung in-audition namin . After the audition, ilang days tumawag po ‘yung talent coordinator at sinabi po nakuha ako.”
Preparation na ginawa ni Alden sa bago niyang fantaserye? “Ang dami ko pong ginawang preparation dito, pagkabigay sa akin ng contract. ‘Yung script, inaral ko po ‘yung lines ko at inalam ko talaga ‘yung takbo ng istorya para malaman ko kung saan nanggagaling ‘yung emosyon at kung bakit ‘yun ang magiging reaction nila. Nag-workshop po kami kay Direk Mac, kaming tatlo nina Louise at Paolo Avelino. Super excited po talaga ako dahil first major role ang gagampanan ko rito.”
Super excited si Alden na si Louise ang kanyang ka-loveteam. “Kumbaga, hindi na po ako bago kay Louise kasi nagkatrabaho na po kami sa isang commercial. Pagkakita ko sa kanya, siya pala ang magiging bidang babae. Sabi ko, sana ako ang makuhang isa sa makaka-loveteam niya. Si Louise po kapag tinignan mo siya, hindi siya mahirap magustuhan. Very attractive po kasi si Louise, natuwa ako nang sabihin sa akin na isa ako sa magiging leading man niya.”
So, puwedeng dumating kayo sa point na magka-debelopan ni Louise? “Open naman po ako sa ganoon, since single naman ako. Open naman ako sa ganu’ng sitwasyon, hindi naman po mawawala ‘yun kasi matagal kaming magkakatrabaho ni Louise, why not po? Pero marami po akong pagdaraanan, mommy niya medyo istrikta, open naman po ako sa mga ganu’n-ganu’n.”
Naranasan na kaya ni Alden ang ma-in love? “Nagkaroon ako ng tatlong girlfriends. ‘Yung first girlfriend ko, 1st year high school sa Colegio de Santa Rosa, Laguna and then ‘yung second girlfriend ko noong 3rd year high school, tapos nagkaroon pa uli ako ng isa pang girlfriend noong 4th year high school. Alam ninyo ba ‘yung mga sitwasyon na nararamdaman ninyo? Kumbaga, masakit na makita mong may katabi siyang iba, iisipin mong selos… Doon ko po nalaman na seloso pala ako. ‘Yun po pala ang epek ng love, nagiging possesive ka… 17 ako that time. I just turned 18 last January 2.”
Sa ngayon, 2nd year college si Alden sa De La Salle, Canlubang. All out support ang family niya sa kanyang pag-aartista. “Sa nga-yon stop for awhile muna ako. Nag-usap po kami ng family ko kung puwedeng pakiusapan namin ‘yung school na mapagsabay, kasi sayang ‘yung chance na maititigil ko, na puwede ko namang ipagsabay.
“Kung sakaling hindi puwedeng ipagsabay, showbiz po ang pi-piliin ko. Gusto ko pong mag-artista para makatulong sa pamilya, para mapagaan ko po ‘yung buhay nila. Dream po ng nanay ko at dream ko, mag-artista. Kasi ‘yung mom ko wala na, 2 years ago, dad ko na lang po then, katulong po niya sa bahay ‘yung lola ko po. ‘Yung nga, medyo unstable kami
ngayon so, priority ko ang showbiz para matulungan ko sila.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield