PHENOMENAL ANG pagsikat ni Maine Mendoza na mas kilala bilang Yaya Dub. From being an ordinary citizen ng social media na ang “special talent” niya na mag-dubsmash ay naglikha sa kanya ng magic para maabot niya kung ano man ang estado niya ngayon.
Dahil sa pagiging Yaya Dub niya, hindi niya inaasahan na sisikat siya. Hindi rin niya inasahan na hahakot siya ng milyun-milyong fans at maging salapi na kaliwa’t kanan ang mga offers sa kanya. Balita ko, may 12 TV commercials daw siyang gagawin bago matapos ang 2015.
Kaya nga pasalamat si Alden Richards na siya ang naging patner ni Maine para mabuo ang kanilang “love team” na sa halos limang taon ni Alden sa showbiz, todo kayod ang binata. Kabi-kabila ang mga shows ni Alden sa Kapuso Network pero waley, he’s just one of those stars na p’wedeng isama sa project o p’wede ring hindi. Pero with Alden’s “pabebe” image and peg, mas binigyan siya ngayon ng prayoridad ng istasyon, maging ng mga possible financier and sponsors sa kanyang career.
For the first time, napuno ang Philippine Arena last Saturday na akala ko nga, ang pa-premiere night ng pelikulang Felix Manalo na pinagbidahan ni Dennis Trillo na ang record-breaker sa attendance na pasok sa Guiness World Record. SRO ang loob ng show venue last Saturday. Maging ang mga steps at sa sahig, puno raw ng mga tao, lalo pa sa labas ng arena na hindi nakapasok dahil wala nang mapagsisiksikan at mapaglagyan.
Ang show ng AlDub last Saturday na ang simula ng pagiging Maine ni Yaya Dub at si Alden naman ay magpaka-Alden na. Sayang kasi kung sa ganda ni Maine last Saturday (nakita lang namin ang mga photos sa IG) at ang kaguwapuhan ni Alden ay hindi na magle-level up at umalis na sila sa imahe na likha ng “Aldub” mode nila, nakapanghihinayang ang chance.
Maganda si Maine. Mas gumuwapo si Alden (pakibawasan lang ang foundation sa mukha dahil mukhang makinis naman ang kutis ng binata), talent na lang ang patutunayan ng dalawa para lalo nilang maabot ang pangarap nila at magtagal sila sa showbiz. Who knows, baka malampasan pa nga nila ang charisma ng ibang mga love teams sa showbiz sa kasalukuyan.
As a challenge, I want Maine and Alden to star in their own film, ‘yong project na silang-sila lang. Kaya naman nila on their own capacity at ang sumuporta sa kanila last Saturday (kung organic man ang mga ito at totoo), susuportahan pa rin sila bilang sila and not just a flash in the pan na knowing ang ang mga Pinoy na gutom dahil sa kaliwa’t kanang bulilyaso sa Bayan ni Juan kahit ano, oks na rin para pamatid-gutom.
Reyted K
By RK VillaCorta