MARAMI ANG nakapansin na lumalaylay na ang kalyeserye ng Eat… Bulaga!. It’s obvious naman dahil hindi na gaanong mataas ang rating ng everyday episode, hindi na ito pumapalo sa pinakamataas.
Obvious din naman na kaya ipinasok si Ai Ai Something ay dahil gusto na nilang ma-promote ang movie ngayon pa lang.
Eh, sa totoo lang, we’ve seen the teaser and we don’t find it funny at all, lalo na ‘yung eksena nina Vic Sotto and Ai Ai.
Hindi rin naman nakatatawa at nakakikilig ang eksena nina Alden Richards and Yaya Dub. Mga idiot lang yata ang kinilig sa mga eksena nila.
Say nga ni Boy Landi, kailangan nilang mag-ingay dahil bumababa na ang rating ng noontime show ng Siyete at hindi na ito masyadong pinag-uusapan.
HINDI PALA takot ang TV host and inspirational speaker na si Michael Angelo Lobrin na humanap ng mga kabataang maaaring pumalit sa kanyang trono. Nagte-train kasi si Michael Angelo ng mga bagets na puwedeng maging magaling na public speaker.
“Nagte-train ako ngayon ng taong gustong magsalita na gaya ko,” sabi niya sa pa-presscon sa kanya ng Chooks-To-Go para sa third season ng kanyang show na “#MichaelAngelo”, Saturday, 4:50 p.m.
Paano kung mas sumikat sa kanya ang kanyang tine-train?
“Okay lang po ‘yon kasi kung ang ike-create ko naman ay mas mahusay sa akin sa bandang huli, ang tagumpay noon ay ako rin, eh. Kahit hindi naman niya ako i-acknowledge kapag nagkatinginan kami ay alam mong dumaan ka sa akin,” say ng sikat na public speaker.
Actually, nakakatawa si Michael Angelo kapag nagsalita. Very clean ang jokes niya na hindi naman nakapagtataka dahil muntik na siyang maging pari.
Inamin ni Michael Angelo na hindi naging madali sa kanya ang buhay dahil iniwan siya ng father niya when he was young. Battered child siya. Ang maganda sa kanya, hindi siya nag-give up sa dami ng rejections na naranasan niya sa buhay.
“Siguro kaya ako masaya rin ay hindi ko iniintindi ang sinasabi ng ibang tao. Dati, walang naniniwalang magkakaroon ako ng sariling talk show. Dati hindi naman ako umuubra sa mga auditions. Nag-audition ako sa “Ang TV” hindi ako makapasok kasi puno lagi. There were so many rejections. Nakuha ako sa commercial, eh, pang-toothpaste pala ang commercial, eh, ang ipen ko noon sali-saliwa. Sabi ng lola ko, ‘bat ganoon?’ ‘Yun pala ako ‘yung before. So ako, marami akong pinagdaanang rejections. Noong public speaker ako, ang tanong nila ‘sino ba itong Michael Angelo?’ But because I’m a very positive person, for me rejections are preparations. Kaya ako nire-reject ay may hinahanda para sa akin,” say niya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas