EARLIER IN our column (dito sa Parazzi) ay naisulat namin kung bakit most likely, it’s NOT the Roxas-Robredo administration tandem that that the AlDub loveteam is throwing its all-out support to.
The fact that Senator Tito Sotto ay hindi kaanib sa Partido Liberal, utang na loob na lang ng nina Alden Richards at Maine Mendoza na suportahan ang isa sa tatlong haligi ng programa to which they owe their phenomenal a la Guy & Pip success.
Lalo pang malinaw ang non-support ng AlDub sa pambato ng administrasyon ay ang panawagan ng TMAP o Tax Management Association of the Philippines sa nasabing tambalan para isulong ang tax reform sa bansa.
Ang TMAP ay isang non-stock corporation na binuo noong October 1981 “primarily established to professionalize tax practice and provide a channel allowing the private sector to participate in drafting tax laws, regulations, etc.”
Tina-tap ng grupong ito ang AlDub whose voice it hopes na marinig ni Pangulong Noynoy Aquino na solusyunan ang sobrang pagbubuwis ng gobyerno. Ang tanong: pumasok naman kaya sa tympanic membrane ni PNoy kahit ang dubsmash ng AlDub?
Kung hindi ang ticket ni Sotto na Poe-Escudero, may ilan pang puwedeng pagpilian ang AlDub for their support. In one of TMAP’s Facebook photos, seen in the group ay ang vice presidential candidate na si Senator Allan Peter Cayetano.
Still on social media, isa sa mga plano ng presidentiable na si Senator Mirram Defensor-Santiago ay i-overhaul ang pagbubuwis sa bansa.
Probably two of the biggest current moneymakers in showbiz, malaki ang impact ng tax reforms kina Alden at Maine.
In general though, dapat munang ibalik ng pamahalaan ang kumpiyansa ng taumbayan whose chunk of their hard-earned money ay ibinubulsa din lang naman ng mga mismong opisyal nila!
MGA KUWENTO ng “kalandian” ang katatawanang hatid ng Ismol Family this Sunday.
Lora levels up as a bakery attendant, na naging bagong caretaker ng isang bahay malapit sa tirahan ng Ismol Family. Delo joins her and becomes her sidekick.
Pinayagan naman nina Majay at Jingo si Lora all because hindi nila kayang tapatan ang P30K offer kay Lora ng may-ari ng bahay.
Samantala, sinundo ni Ethan si Yumi one morning at may dala-dala itong malaking bag. Jackie, Dianne, Krippy are Yakki suspect na magtatanan na sila. Madalas din kasing pumupunta sa simbahan sina Ethan at Yumi at nakikipag-usap sa pari.
Bernie meets up with Amboy, a cute guy selling a pair of African love birds. Bernie flirts with the cute guy, pero deadma ito. Majay and Jingo notice Bernie’s flirting. Jingo notices Amboy is not really handsome.
Ano kaya ang kahinatnan ng mga tagpong ito? Abangan sa Ismol Family!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III