Aldub, pantapat ng Siyete sa Kathniel, Jadine, at Lizquen ng Dos

AldubANG TAMBALANG Aldub nina Alden Richards at Yaya Dub ang sinasabing puwedeng pantapat ng GMA sa higanteng love teams ng ABS-CBN like “Katniel – Kathryn Bernardo at Daniel Padilla”, “Jadine – James Reid at Nadine Lustre”, at “Lizquen – Liza Soberano at Enrique Gil” sa sobrang kasikatan, ‘di lang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Hindi nga maitatatwa na nakatutok sa ngayon ang mga mata ng mga Pilipino kina Alden at Yaya Dub at patunay nito ang tripleng taas ng ratings ng Eat Bulaga sa kanilang ‘Kalyeserye’ sa katapat nitong noontime variety show na It’s Showtime.

Kung ilang beses na ngang nag-eksperimento ng love team na itatapat sa Kathniel, Jadine, at Lizquen ang GMA 7, pero wala ni isa man ang nakapagpataob o pumantay man lamang sa kasikatan ng mga ito. Pero mukhang sa kasikatan ng Aldub, baka ito na ang puwedeng ipantapat sa mga ito.

Araw-araw nga ay parami nang parami ang tumututok ‘di lang sa telebisyon kung hindi maging sa Broadway Centrum para lang makita ang Aldub, at palagi itong nagti-trending at nagna-number 1 spot sa Twitter Philippines at Worldwide.
Edward-BenosaEdward Benosa, gustong maka-collaborate si Gloc 9

 

“PABORITO KO sina Gary Valenciano , Janno Gibbs, at Martin Nievera kasi bukod sa magaling sila, matagal na sila sa industriya, hanggang ngayon sikat pa rin sila.” Ito ang pahayag ng Voice of The Philippines Season 1 finalist na si Edward Benosa sa ipinatawag na presscon ng kanyang mabait at masipag na manager na si Arnold Reyes kamakailan.
Dagdag pa ni Edward, “Gusto ko ‘yung kahit matagal ka na, nand’yan ka pa rin at tinatangkilik ng mga tao ‘yung kanta mo. Sana maabot ko rin ‘yung narating nila ngayon.”

Laman ng album ni Edward ang 8 songs na pare-parehong sure hits mula sa “Iingatan Ko”, “Stay feat. Marion Aunor “, “Ikaw Lang”, “Paglisan”, “Puso Kong Ito”, “Sa Piling Mo”,”Why Didn’t You Say”, at ang kanyang carier single na hit na hit at nasa top spots ng mga radio station na “‘Di Man Lang Nagpaalam”.

Bukod kina Gary, Martin, at Janno, gusto ring maka-collaborate ni Edward sa isang kanta ang award-winning rap artist na si Gloc 9.
Ai-Ai-delas-Alas-Mikhail-HirangAi-Ai, sinasaluduhan ng salon owner ang pagiging humble

SALUDO RAW ang owner ng celebrity salon na Headway Vera Salon sa Tomas Morato na si Sir Mikhail Hirang sa kanyang endorser na si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas dahil kahit daw sikat na sikat ito ay napaka-humble at sobrang bait.
Tsika nga ni Sir Mikhail, “Sobrang bait ni Miss Ai-Ai. kahit na sikat siya ay very humble at marunong makisama. Dagdag pa diyan ang pagiging masiyahin niya. Iba ‘yung energy niya, napakataas, nakahahawa. Hahaha!”
Kaya naman blessed siya at maraming proyektong ginagawa sa GMA 7 katulad ng seryeng Let The Love Begin at ang Sunday Pinasaya na siyang pumalit sa Sunday All Stars.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleZanjoe, ka-date sa sinehan si Julia?!
Next articleAna Capri, nakunsensiya sa pagmumura kay Bea Alonzo

No posts to display