May kanya-kanyang destinasyon daw ngayong sasapit ng Kapaskuhan ang hottest at phenomenal love team sa bansa na sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ng GMA’s Eat… Bulaga Kalyeserye.
Ang pamilya raw kasi ni Maine ay magseselebra ng Kapaskuhan sa Japan . Tsika nga ni Yaya Dub, “Pupunta po kami ng Japan kasama ko ang buo kong pamilya. Bale roon kami magsi-celebrate ng Christmas until New Year magkakasama kami.
“Pero bago kami umalis, magiging busy muna kami ni Alden with Bossing Vic Sotto and Miss Ai-Ai delas Alas at iba pang casts ng “My Bebe Love #KiligPaMore”. And may “Eat… Bulaga” pa kami (Kalyeserye). After nang mga commitments namin, doon na kami pupunta ng Japan.
“Bale bonding moments na rin namin ito ng family ko. Kasi lately po, medyo naging busy sa dami ng trabaho. Hindi ko masyadong nakaka-bonding ang family ko. Kaya naman ito na ‘yung time para mas makasama ko sila nang matagal. And vacation ko na rin ito mula sa sunud-sunod na trabaho.
Anong wish mo this Christmas?
“Ano ba? Siguro more projects to come, and good health sa akin and sa family ko. Sana magtagal ‘yung love team namin ni Alden, and sana ‘wag magsawa ang AlDubnatics na suportahin kaming dalawa.
“And I want to say thank you sa God sa lahat ng blessings na ibinibigay niya sa akin at sa family ko. And I also want to thank AldubNation sa buong mundo sa walang sawang suporta at pagmamahal na ibinibigay nila sa amin ni Alden. I also want thank “Eat… Bulaga”, dahil sila ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na maging part ng kalyeserye.”
Papaano n’yo isine-celebrate ang Christmas?
“Simple lang, magkakasama kaming nagsisimba, nagno-Noche Buena kami nang sabay-sabay at isa-isa naming ibinibigay ‘yung regalo sa isa’t isa.”
Habang ang family naman nina Alden Richards ay naging tradition na raw na sa bahay sila nagpa-Pasko.
Sabi ni Alden, “‘Yung family po kasi namin talaga, every year or occasion, we just stay at home. Ganoon na po kasi kami lumaki – just spend time together.
“Kasi nga po like me, hindi na namin gaanong nakasasama ‘yung family now these past few months, because of hectic schedule. Kaya this Christmas, we will find a place na lang po here sa house namin.
“Kami naman kami basta magkakasama kami, solve na kami roon. Ang mahalaga naman kasi, buo kami at magkakasama ng pamilya ko. And ito rin ‘yung time na medyo makasasama ko sila nang mas matagal-tagal. Bakasyon ko na rin ito sa dami ng trabaho, kumbaga makapagpapahinga na rin ako. And of course, bonding moments na rin namin ng pamilya ko.
“Pero before that, magiging busy kami ni Maine sa promo ng first film na magkasama kami, ang “My Bebe Love #KiligPaMore”. And then may “Eat… Bulaga” at “Sunday Pinasaya” pa ako. Pero after that, bakasyon na.”
Anong wish mo for Christmas?
“Good health sa akin at sa family ko. Kasi ‘pag heathy ka, mas marami kang puwedeng gawin. Tapos sana magtuluy-tuloy ‘yung suwerte ko sa susunod pang taon. More projects to come by 2016,” nakangiting pahayag ni Alden.
“And tumagal ‘yung love team namin ni Maine. ‘Wag sanang magsawang sumuporta sa amin ang AldubNation. Gusto ko silang pasalamatan sa kanilang suporta at pagmamahal sa amin ni Maine. And nagpapasalamat din ako kay Lord at sa family ko, sa GMA 7, GMA Artist Center, at sa Eat… Bulaga,” dagdag pa ng Pambansang Bae.
Paano n’yo sini-celebrate ang Christmas?
“Very traditional. Kung ano ‘yung ginagawa namin noong mga bata pa kami, ganundin ‘yung ginagawa namin ngayon. Like we go to church na magkakasama, sabay-sabay rin kaming nagno-Noche Buena and then nag-e-exchange gift kami at sabay-sabay na binubuksan ‘yung mga regalo namin sa isa’t isa,” pagtatapos ni Alden.
John’s Point
by John Fontanilla