Kinilala ng Guinness World Records ang AlDub bilang record breaking sa 10-taong kasaysayan ng Twitter, kung saan kasama sa article ng Guiness na lumabas sa website nito na may pamagat na “10 years of Twitter: Five key tweets that made record-breaking history” ang hashtag #AlDubEBTamangPanahon bilang “Most used hashtag in 24 hours” sa Twitter.
Ginamit ang nasabing hashtag sa Philippine Arena concert ng AlDub, kung saan sa unang pagkakataon, nasaksihan ng may 55,000 katao ang pagsasama nina Alden Richards at Maine Mendoza sa iisang stage sa kasagsagan ng kanilang kalyeserye sa “Eat Bulaga”. Sa nasabing kalyeserye, nakikita lang ng fans sa split screen ang dalawa at hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkasama.
Kabilang sa kinilala ng Guiness ang unang tweet ni Twitter co-founder and CEO Jack Dorsey noong 2006; si Caitlyn Jenner na may record na “fastest time to reach one million followers”; Oscar selfie na itinuturing na “most retweeted message” at “most famous celebrity picture of recent times”; at ang “most tweets per minute” nooong 2014 World Cup, kung saan tinalo ng Germany ang Argentina.
By Parazzi Boy