NAKAKALUNGKOT NAMAN ANG pag-backout ng dalawang pelikula para sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2011 na ngayon ay nasa ikapitong taon na. Ito ay ang Henerala na life story sana ni Gabriela Silang to be played by Katherine Luna, written and directed by the great Mario O’Hara pa man din. Pasok sana ito sa Directors’ Showcase, ang katergorya ng mga direktor na nakagawa na ng more than three full length films.
Ang isa pa ay ang The Dog Show ni Ralston Jover, sa New Breed section naman, o mga baguhang filmmaker sa indie scene na wala pang tatlo ang nagagawang films.
Ang dalawang pelikulang nabanggit ay in competition. Hindi namin batid ang dahilan ng The Dog Show kung bakit ito nag-back out, pero ‘yung kay Direk Mario, ang sinasabing reason ay fundings.
Meaning, kulang sa pondo, o hindi kakayanin ang budget to make the film, dahil period movie nga ito. Ayaw marahil isakripsiyo ni Direk Mario ang quality ng kanyang pelikula kung hindi rin lang sapat ang makukuha niyang fund mula sa kanyang investors.
Ang alam namin ay may naging series of meetings na si Direk Mario sa ilang mga taong interesado, pero at the end of the line, hindi na nga muna ito magma-materialize – as of now.
Sa narinig naman namin mula sa isang taong malapit kay Direk Mario, okey na rin ang nangyari dahil hindi na pressured pa si Direk to finish the film in time for the deadline nito dahil sa mid-July na ang Cinemalaya 2011 at sa CCP theaters lamang ang exposure ng pelikula, eh may latest umano silang kausap na investors at ang nais nito ay regular theatrical release – sa mas maraming sinehan, hindi lamang sa CCP or UP Cine Adarna na karaniwang tinatanghalan ng Cinemalaya entries.
Ang pag-atras na ito ni Direk Mario ay kinumpirma ni Robbie Tan na isa sa Cinemalaya executives, at aniya’y wala nang oras pa upang palitan o ipalit ang susunod na script after makuha ang Top 5 scripts for the said category.
Maaaring blessing in disguise na rin ito sa grupo ni Direk Mario, dahil puwede nga nila ito actually ipa-endorse sa Department of Education dahil tungkol ito sa buhay ng isang bayani ng bansa na si Gabriela Silang – upang mapanood ng mas maraming estudyante sa buong Metro Manila.
Ang mangyayari ay apat na lamang ang maglalaban-laban sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya 2011.
Ito ay ang Patikul ni Joel Lama-ngan, Bisperas ni Jeffrey Jeturian, Isda ni Adolfo Alix Jr., at Busong (Palawan Fate) ni Auraeus Solito.
SPEAKING OF BUSONG (Palawan Fate), a few days ago ay nag-fly na nga ang beauty ni Alessandra de Rossi, ang bida ng nasabing movie, sa 64th Cannes International Film Festival sa France, at kasalukuyan itong nasa nasabing bansa ngayon at super excited sa experience.
Tulad ng naisulat na namin dito last week, kasama ang alaga ni Manny Valera sa paglipad sa Cannes filmfest si Direk Auraeus Solito, at iba pang involved sa production.
This week ang redcarpet showing ng Busong na tinalbugan ang ilan pang maraming entries all over the world – na pasok sa Directors’ Fortnight o exhibition.
Naloloka sa excitement si Alex nang makachikahan namin a day before they left dahil baka daw hindi niya mapigilan ang sarili niyang maging “fan” na magpa-picture-taking kapag nakita niya in person ang Hollywood actors na kumpirmadong darating like Brad Pitt and Angelina Jolie!
Ang sabi ng isang source, may iba pang local directors ang nagpadala ng kanilang entries for Cannes, pero ang Busong ni Alessandra ang sosyal na napili ng jury ng sinasabing isa sa pinakasikat na international filmfest sa buong mundo, huh!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro