TULOY NA ANG pagrampa ni Alessandra de Rossi sa 64th Cannes International Film Festival, isang prestihiyosong film festival sa France na dinadaluhan ng maraming film industry practitioners (actors, directors, producers) mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ay sa dahilang imbitado ang bagong pelikula ni Alessandra entitled Busong (Palawan Fate) na tumatalakay sa “karma” sa Palawan culture, o masasabing isang environmental film rin na ayon sa direktor nitong si Auraeus Solito ay siya niyang “dream movie”.
Tulad nang naisulat namin dito nu’ng kakasabog pa lang ng balita, pasok sa Directors’ Fortnight category ang nasabing movie, or for exhibition lamang ito at hindi for competition.
Nagpagawa na ng tatlong gowns si Alex (nickname ni Alessandra) sa fashion designer na si Oliver Tolentino, isang Filipino-American top designer na kasalukuyang nasa bansa.
Ngayong May 12 na ang lipad ni Alessandra kasama si Direk Auraeus, at tatakbo ang prestigious filmfest doon ng ilang araw.
Last Saturday lang nakapag-fitting ng tatlong gowns ang alaga ni Manny Valera sa bantog na designer. Take note na hindi lang isa, kundi tatlong beautiful gowns ang isusuot ni Alessandra sa once-in-a-lifetime experience na ito ng aktres, huh!
Isang butterfly dress para sa press screening, isang bonggang green gown para sa gala world premiere (o red carpet mismo, kung saan rarampa si Alex with Direk Auraeus), at isang mini-gown para sa press lunch kinabukasan.
Super excited si Alessandra sa Cannes 2011 experience niyang ito, at “kinabog” niya ngang muli ang iba niyang mga kasabayang aktres, in all fairness, huh!
Although para sa kaalaman ng lahat, a couple of years ago pa ay may dalawang pelikula na rin si Alex ang naitanghal sa Cannes filmfest – ang Independencia with Sid Lucero and Tetchie Agbayani at ang Manila ni Piolo Pascual. Hindi lang nakarating si Alex that time.
This time ay bidang-bida si Alessandra sa Busong kaya she just can’t afford not to miss her film, na sa Puerto Princesa sila nagpakahirap sa shooting nang ilang linggo. Worth it naman ang experience dahil fly to Cannes ang drama ni Alex, huh!
Kasama rin sa entourage nina Alessandra and Direk Auraeus ang Fil-Am actor na si Clifford Banagale, producer and production designer na si Hai Balbuena, ang L.A.-based executive producer na si Jong de Castro, editor na si Chuck Gutierrez, at iba pa.
Sayang at hindi na matutuloy si Alfred Vargas na co-producer ng Busong na incidentally ay kasama rin sa apat na directors’ showcase category ng annual Cinemalaya 2011 sa CCP naman, to be held in July 2011.
Congrats, Alessandra, Direk Manny, Beth delos Reyes (Alex’s handler), and Direk Auraeus and his team dahil hindi biro ang makapasok ang isang Pinoy film sa Cannes Int’l Filmfest! Kayo na!
SPEAKING ABOUT FILMS, now showing pa rin ang Tumbok ng Viva Films starring Cristine Reyes, Ryan Eigenmann, and Carlo Aquino.
Napanood namin lahat ng mga pelikula ng direktor ng movie na si Direk Topel Lee from Ouija, Sundo, White House, at ang isang episode ng SRR, and we must say na ang Tumbok ang his best film to date!
Kumbaga, bawing-bawi si Direk Topel with this one, dahil hindi nga kagandahan ang past films niya at na-disappoint ang kanyang followers. Kahit na gusto ni Direk na gumawa ng iba’t ibang genre ng pelikula, sa suspense-thriller/ horror siya patok, like in Tumbok nga.
Rated B by the Cinema Evaluation Board, sa maraming scenes ay kinabahan kami, huh! And pasok ang lahat ng elemento ng katatakutan sa movie. Sabi nga ng respected film critic na si Mario Bautista na pinuri ang pelikula, hindi ito dapat palagpasin ng mga mahihilig sa scary movies.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro