UNANG OFFER kay Alessandra de Rossi ay maging leading lady ni Piolo Pascual sa serye sa Kapamilya Network na ‘Since I Found You’.
Kaso, naiba ang takbo ng istorya ng serye na kung regular viewer ka noon, naligwak ang karakter ng aktres sa original na napagusapan.
“Noong i-offer siya sa ‘kin, leading lady talaga siya. I mean, kilala niyo naman ako ever since. Bago ‘yon, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko, lahat ayaw ko and finally dumating yung role na gusto ko kasi leading lady, e, parang bago ‘to, i-try nga natin,” say ng aktres nang maitanong sa kanya ng mga press sa grand media conference ng pelikula niya na ‘Through Night & Day” mula sa Viva Films.
Sa serye, nauwi na naging sekretarya siya ni Piolo na may gusto sa kanyang boss na ang ending naman ng serye, si Papa P ay nagpakasal kay Arci Munoz at si Alex (palayaw ni Alessandra) ay engaged naman kay Empoy Marquez sa istorya na sa totoo lang ay wala’ yun sa original na napagkasunduan.
Sabi nga niya sa harap ng media na nag-interview sa kanya: “I don’t know kung ano yung nakarating, the tampo and all, but hindi iyun yung in-offer sa ‘kin na role and kung alam ko lang na mag-aabot lang pala ako ng kape,” pabirong sundot pa ng prangka na si Alex.
Anyway, past is past kaya focus ngayon ang aktres sa bago niyang project with Paolo Contis as her partner sa pelikula tungkol sa kuwento ng pag-iibigan nina Jen at Ben na sa Iceland (at sa Baguio City) pa nag-shooting na mula sa direksyon ni Ronnie Velasco.
Konsepto ni Alex ang buod ng pelikula. Sayang lang at hindi nga lang niya nagawa na siya ang sumulat ng script ng pelikula dahil at that time, busy siya sa kanyang trabaho bilang artista ng huling serye niya sa Kapamilya Network.
Sa ngayon, after ng pagsusulat ng story ng Through Night & Day (showing na on November 14) ay malawak pa ang pangarap ng aktres na bukod sa conceptualization ng istorya para gawing pelikula ay magkaroon siya ng time para makapagsulat ng script and later on ay makapag-direct na rin ng sarili niyang pelikula.
Reyted K
By RK Villacorta