MALIBAN sa pagiging isang magaling na actress/filmmaker, alam niyo ba na isang ambient musician din si Alessandra de Rossi?
Ten years ago ay naglabas ito ng kanyang independently-produced album na ‘Adrift‘, na nagpakalma sa mga fans niya. Noong 2016 naman ay inilabas niya ang ‘derealization’. Both albums ay inilabas niya ng libre for her fans to enjoy. Patunay ito na seryoso si Alessandra sa kanyang music project na hindi siya worried kung kikita ba siya o hindi.
This time ay opisyal na ilalabas ang kanyang 7-minute song na ‘Glares’ under Lilystars Records.
Ang ‘Glares’ ay isang kanta tungkol sa kaibigan na may longtime crush. Kahit na 7 minutes ang kanta ay nakakarelax itong pakinggan na tipo ng musika na masarap pakinggan habang ikaw ay nagda-drive sa gabi at nage-emote. O, divah?! Umabot tayo dun!
Bilang isa kami sa mga ‘lucky few’ na napakinggan ang dalawang albums ni Alessandra (under the name ADR) noong inilabas niya ang mga ito ng libre sa internet, masaya kami na sa wakas ay nabibigyan na ng mainstream recognition ang mga likha ng talented actress/musician. Sa katunayan, may mga up-and-coming artists din itong susuportahan sa kanyang sariling record label na A World of Our Own (AWOOO).
Congratulations, Alessandra!