ANG PELIKULANG Upline Down ay isang advocacy film para sa mahihilig sa networking. Prinodyus ito ng dating theatre actor turned businessman na si JR Rosales. Bida dito sina Alex Castro, Ritz Azul, Snooky Serna, at Matt Evans.
Sa presscon ng Upline Downline ay present si Alex at ang supporting cast na sina Jhaiho at ang baguhang si Joseph Lim. No show sina Matt at Snooky. Buti na lang present ang producer na si JR at ipinaliwanag niya na ang Upline Downline ay isang advocacy film tungkol sa networking.
Ayon pa sa kanya, ipakikita sa pelikula ang epekto ng pagpasok sa networking whether it is positive or negative. Meron din daw mga pekeng networking group kaya magandang eye-opener ang pelikula para maalerto ang mga indibidwal na gustong pasukin ang ganitong business.
When asked kung pinasok din ba ni Alex ang networking, sabi niya sa amin, hindi raw niya ito sinubukan kahit kailan.
“Nag-aartista ako tapos public servant din ako sa Marilao, hindi ko nasubukan ‘yan. Saka pangit sa kagaya ko na isang public official na pumapasok sa ganyan kasi kapag nagkaproblema, masisira ang pangalan ko,” katwiran niya.
Alex is considering to run for Board Member ng Bulacan at hindi na sa pagiging konsehal.
Meanwhile, papalitan daw ang poster ng Upline Downline according to JR. May kinalaman marahil dito ang reklamo ng management ni Snooky tungkol sa billing.
La Boka
by Leo Bukas