MARAMI ang nagtataka kung bakit no-show si Alex Gonzaga sa bago niyang programa na ‘Lunch Out Loud’ o ‘LOL’ sa TV5. Bago pa ang pormal na paninimula nito ay mga tsismis pa na kesyo umatras daw si Alex due to undisclosed reasons at klinaro din sa media na kasama pa rin ito. Ano nga ba talaga?
Ngayon ay may kasagutan na ang mga katanungan. Ang totoo ay na-miss ni Alex ang launch ng sariling noontime show dahil nagkaroon ito ng Covid-19.
Dahil sa pagdapo ng sakit na ito hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang mga magulang at personal assistant, nag-self-quarantine ang mga ito for 14 days as recommended sa lahat ng nagiging Covid-19 patients o mga taong may exposure sa mga nagpositibo.
Maliban sa TV show na dapat na sisimulan niya ay pati ang kasal nila ng fiancee na si Mikee Morada ay napostpone muna. Nahawaan din ito kaya kinailangan din mag-self-quarantine.
Sa kanyang bagong video upload ay na-document ni Alex ang mga pinagdaanan sa loob ng 14 days. Nasa loob lamang siya ng kuwarto at ginawa ng pamilya ang lahat para masiguradong gumaling sila kaagad.
Sa kanilang pamilya, si Alex ang nakitaan ng mild symptoms. Not feeling well, nawalan ng panlasa, nagsusuka etc. Lahat ‘yan ay napagdaanan ni Alex. Asymptomatic naman ang kanyang mga magulang na nagdesisyon din na maghiwalay muna ng kuwarto para na rin sa ikabubuti nilang lahat.
Panoorin ang ‘My Covid Journey’ video ni Alex Gonzaga:
Tingnan niyo, kahit ang mga artista natin ay walang ligtas sa Covid-19. Maraming realizations si Alex dahil sa pinagdaanan at mabuti na rin na naishare niya ang kanyang experience bilang babala na rin sa mga tao na seryosohin ang mga safety and health protocols at hangga’t maaari ay manatili sa bahay (unless kung may trabaho, s’yempre. Lahat naman ng kasama sa staff ay dumadaan muna sa swab testing at may lock-in taping naman kung mga pelikula o teleserye ang shinushoot).
We’re happy for your recovery, Alex and Gonzaga Family!