APRUBADO RAW sa award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, if ever na magkakamabutihan ang newest loveteam ng ABS-CBN via Pure Love na sina Arjo Atayde at Alex Gonzaga.
Tsika nga ni Arjo kaugnay sa naging reaksiyon ng kanyang Mommy Sylvia sa kanyang very vocal na pagsasabing balak niyang ligawan si Alex, “Go, go lang! Mabait naman si Alex. Boto naman si Mommy kay Alex, minsan na rin namang nakatrabaho ni Mommy si Toni (Gonzaga) ate ni Alex.”
Minsan na rin daw pumasyal si Arjo sa bahay nina Alex para bisitahin at i-surprise sa kanyang pag punta, pero wala roon ang dalaga. “Pumunta ako once, pero wala siya, e. I was ready to surprise her sana pero wala siya sa bahay.”
Nagbabalak nga raw muling bumisita ni Arjo sa bahay nina Alex para makilala niya ang pamilya ni Alex, lalo na ang mommy at daddy ng dalaga.
John’s Point
by John Fontanilla