MAY BALITANG nakarating sa amin na kabado na daw sina Alex Gonzaga, Ritz Azul, Eula Caballero at Danita Paner sa kung sino man ang tatanghaling winner sa tatlong babaeng artista hopefuls para sa Artista Academy come Saturday night.
Got word from a TV5 insider na sa pagpasok ng tatlong baguhan namely Channel Morales, Sophie Albert at Shaira Mae sa eksena, malalagay sa panganib ang mga career ng apat.
Unang-una , they have been given their chance to prove their worth bilang artista. Binigyan na sila ng pagkakataon na magpakita ng kanilang galing sa pag-arte but what happen was parang wala. Nagbida man or naging leading ladies man sila sa mga teleserye ng Kapatid Network, wala pa ring impact ang presence nila sa showbiz.
They can’t even make their show rate at maghakot man lang ng mga TV commercials to sustain the production cost.
Take the case of Alex Gonzaga, she will always be known as the sister of Toni Gonzaga. Ilang mga palabas na rin ba ang pinagbidahan niya? From Juicy to a couple of teleserye, wala pa rin nangyayari sa career niya. I wonder kung anong career plan meron siya. Gusto ba niya maging artista sa drama or maging komedyate?
Si Ritz Azul, ang itsura niya, just a pretty girl na walang ipinag-iba sa mga mas nauna sa kanya. And Eula Caballero of Third Eye, both of them (she and Ritz, hindi ko ma-distinguish ang mga itsura nila sa isa’t isa). Si Danita naman, just the same, one of those, ‘ika nga.
In short, wala talaga silang presence for the past years they have been in the business trying hard that their presence be felt by the public and the industry.
Sa tatlong hopefuls ng AA, we see some promise. Sa mga girls. Hopefully, magkaroon sila ng suwerte na makilala at sumikat. Pretty sila and hopeful, may talent.
Just like the old showbiz cliché: Stars come and go but the good one remains.
IS IT true na nag-tantrums daw itong si John Rendez during the radio promo ng rap CD niya sa isang entertainment radio show last week?
Nakarating sa amin ang balita na ang mga host (both entertainment writers) ay pabarumbado ang ginawang pagsagot sa kanila ni John.
Naitanong diumano ng isa sa mga host ang tungkol sa John-Nora Aunor love angle. Tinanong kung si Nora nga ba ang inspirasyon ni John sa pagbubuo ng kanyang rap album.
Kasi naman mga kapatid, don’t talk or ask about his manager na matagal na nali-link sa kanya dahil ang usapan nila ng kanyang “manager cum ka- friendship” he will make a mark on his own without using Nora’s name.
But in fairness, type ko ang danceable music na Plastic Ka na nakapaloob sa Metaldog CD niya na Pinoy na Pinoy ang flavour.
MATATAPOS NA ang Walang Hanggan ng Kapamilya Network na nagbigay-buhay muli sa tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta sa telebisyon.
Ito rin ang teleseryeng nagbuo ng pantasya na type ni Coco Martin si Julia Montes para makabuo ng panibagong love team.
Pero teka lang, ‘wag nang linlangin ang publiko na it’s Coco and Julia dahil hindi naman totoong nanliligaw ang binata sa dalaga.
Just like sa promo ng pelikula ni Coco at Angeline Quinto noon na pilit inili-link ang dalawa na after maipalabas ang pelikula, naglaho bigla ang interest nina Coco at Angeline sa isa’t isa.
Sa panahon ngayon na matatalino na ang mga manonood ng pelikulang Pilipino, ang moviegoers wais na kung susuportahan nila ang isang pelikula at magbabayad sa takilya or ikakain na lang ng burger at siomai.
Reyted K
By RK VillaCorta