NAALIW AKO sa full trailer ng “merriest” movie sa darating na Metro Manila Film Festival 2018 na pinagbibidahan ng magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.
Personally, aliw ako sa kabaliwan ni Alex sa kanyang Video Blogs na naloloka ako sa mga natural niyang sundot at patawa na malamang, ang istilo ng komedya ni Alex ay malaki ang maitutulong sa pelikula lalo pa’t kaswal lang si Alex as a commediene na nakakaloka. Tawag ko nga sa ganun ay “baliw” na pwede na wala na siya script para para isagawa ang eksena nang mas natural.
Pero sa pelikulang Mary, Marry Me na produced ni Toni Gonzaga under her newly formed film outfit na TinCanP, kakaiba ang laugh trip na handong ni Direk RC delos Reyes na unang sultada niya sa film directing na binigyan ni Toni ng pagkakataon na patunayan ni Direk RC ang kanyang galing.
Kuwento ng magkapatid na si May Anne, played by Alex na ikakasal sa “ex-boyfriend” ni Mary Jane na ginagampanan ni Toni ang premise ng pelikula.
Dahil sa ex-boyfie ni Mary Jane ang mapapangasawa ng kapatid niya, matutuloy kaya ang kasal ni Mary Anne kay Pete played by Sam Milby?
First time magkatrabaho ng magkapatid. Say nga ni Alex tungkol sa kanyang karanasan with her sister, lalo na as a film producer: “Masaya katrabaho ang ate ko kasi, una sa lahat feeling mo safe ka pero at the same time mahirap din kasi perfectionist si ate. As producer of our film, hands-on siya sa lahat. Lahat tsini-check. Parang mayroon akong nanay sa set.”
Pero nakatulong kay Alex ang pagiging perfectionist ng Ate Toni niya: “Para maganda ang magiging outcome.”
Ang Mary, Marry Me ay konsepto ni Toni almost three years ago pa na ngayon lang naisakatuparan and at the same time sa sarili niyang film outfit na binuo niya para sa sarili niyang mga konsepto na kaiba sa mga pelikula ng Ten17P na pagaari naman ng mister niya na si Direk Paul Soriano.
Reyted K
By RK Villacorta