Alex Gonzaga, kailangang patunayan kay Marian Rivera na aktres din siya

IF  MARIAN  RIVERA—to justify her snobbish behaviour at the culmination of the MMFF 2010 parade at the Quirino Grandstand—thinks na hindi niya ka-level si Alex Gonzaga (eh, sa hindi naman talaga!), isipin na lang ng huli na pareho lang naman sila ni Marian na “Remake Queens” ng mga Maricel Soriano film classics.

Nauna si Marian who reprised Maricel’s Super Inday role, nagsama pa ng “golden bibe” that sadly did not lay the golden egg at the box-office. To say, however, that Marian’s MMFF entry harvested a goose egg would be unfair. I’d like to think na second or third to the kulelat ang pelikula niyang ‘yon.

So, may dapat palang ipagbunyi kung ganu’n si Alex, ang aktres nga namang nang-isnab sa kanya only possesses supernatural powers in the story, pero pagdating sa takil-ya… na-lost ang kapangyarihan!

The answer is yet to be a YES. Gagampanan ni Alex sa teleserye ng TV5 ang Babaeng Hampaslupa, not your heroic Super Inday who outpowers the forces of evil with the help of a gay goose. If my memory serves me right, kapehan o coffee bean plantation ang setting ng film version nito.

Back then, ang ganitong uri ng pelikula was a thespic showcase: barrio ang kapaligiran, dukha ang bida, inaapi-api, hanggang magpunyagi ito dahil sa matayog na pangarap at makatakas sa lugmok na kalagayan.

Now comes Alex’s turn to prove her worth. Kilala ang hitad sa pagiging bungisngis na host ng Juicy, her pretty face—nothing more—is her investment. Her flashy outfits, that can pass for a discotheque (uso pa ba ang disco?) dress code, are magazine cover-worthy.

Pero sorry, hanggang du’n na lang si Alex. Thanks to a Maricel Soriano TV adaptation of Babaeng Hampaslupa, it’s her turn this time to proclaim—in all its juiciest tone—“Oy, Marian…I am (also) an actress!”

I COULD ONLY surmise na kung bonus at bonus din lang sa pagiging close second ng kanyang  Metro Manila filmfest entry last year ay makapagdadayalog  din ng “Tanging Ina Mo!” si Ai-Ai de las Alas.

Sunud-sunod lang naman ang paanyaya ng hitad sa inyong lingkod, and in those occasions ay wala kami. “Kapatid, lagi ka namang wala, malaki na sana ang haharbatin mo sa akin. Nagtatampo ka ba sa akin?” text ni Ai Ai.

Reply ko: Wala akong dapat ipagtampo sa hitad. Bumilang na nang halos tatlong dekada ang pagkakaibigan namin. Masaya ako lalung-lalo na dahil mismong ang miyembro ng MMFF Executive Committee na si Mr. Ric Camaligan ang nagsabing bagama’t second topgrosser ang Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To), natinag nang ilang araw ang kina Bong Revilla at Vic Sotto.

In other words, Bong and Vic’s entry, despite outgrossing seven other entries, did not consistently make a killing at the box-office. But the MMFF is over, lumampas pa sa inaasahang kita ng pamunuan nito ang overall box-office take of eight entries put together.

As for Ai-Ai, bagama’t last na nga ang kanyang movie, isang bagong proyekto ang inihahanda ng Star Cinema for this year’s festival.

SANA’Y HINDI TOTOO ang impormasyon mula mismo sa aming GMA insider-source tungkol sa rights ng TV version ng seryeng pagbibidahan ni Aljur Abrenica (obvious ba, Kuya Dan, na iniiwasan kong banggitin ang pamagat?).

Mula sa panulat ng batikang nobelistang namayapa bago mag-New Year na si Pablo S. Gomez ang kuwento. Isinapelikula ito noon sa bakuran ng Seiko Films, kung saan ang bidang estatwang nagiging tao ay ginampanan nina Cesar Montano at Gardo Versoza.

Pero ayon sa aking source, GMA allegedly paid Seiko Films the rights to the material, hindi sa mismong may-akda nito na si Ginoong Gomez nga (SLN). Totoo po ba ang “MA-tipunong SYETE-ng” ito?


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMaria Venus Raj, willing magpa-sexy!
Next articleRoxanne Guinoo, ‘di makabalik sa showbiz dahil sa buhay-pamilya?!

No posts to display