Alex Gonzaga, kinaiingitan ng sister na si Toni Gonzaga?!

NAKAUSAP NAMIN si Alex Gonzaga sa grand finals night ng Talentadong Pinoy at masaya niyang ikinuwento ang tungkol sa kanyang pagtatapos ng kanyang kurso sa kolehiyo. Aniya, “Of course sobrang happy tayo, for the past years ay pinipilit nating maka-graduate and finally naka-graduate na tayo. So happy.”

Long and sweet journey, ‘ika nga ang pag-aaral ni Alex dahil nakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang kabi-kabilang programang kanyang kinatatampukan sa TV5. Patawa niyang sabi, “Ito ang tinatawag na slowly but surely. Yes, we did it, talagang we did it, ‘noh. Kasama ng TV5 diyan, kasi gusto ko talagang magpasalamat sa kanila, sa lahat… nag-a-adjust sila sa sked ko sa pag-aaral ko.”

Plano raw niya ngayong graduate na siya, “Right now gumagawa kami ng ate ko, to do business na ibe-venture namin.”

Kuwento naman ng sister niyang si Toni Gonzaga noong nainterview namin siya, naiinggit siya sa kapatid niya dahil nakapagtapos na ito ng college. Pero sagot dito ni Alex, “Bakit naman, parang hindi naman siya naiinggit. Okay lang naman na naka-graduate ako, magka-achievement man lang ako, hahaha! Andami na niyang achievement, ito man lang ay maibigay niya sa akin. Pero, gusto talaga ng ate ko ‘yan na maka-graduate. Kay this June ay ita-try na niya raw talagang makapag-enroll.”

NAKAKATUWANG MAKITANG  sobrang close ang magkaibigang Grace Ibuna at Superstar Nora Aunor. Nakita namin ang dalawa kasama ang isa pang kaibigang si Vivian Recio sa grand finals night ng Talentadong Pinoy.

Ayon pa kay Ate Guy, kung tatakbo si Grace sa Negros para humalili sa asawang is Iggy Arroyo sa distrito nito, hindi niya iiwan ang kaibigan at ikakampanya niya ito.

Goodluck kay Grace at kay Ate Guy na nakatakda nang pumunta ng Boston para magpagamot sa kanyang throat ngayong May 19.

LAKING PASASALAMAT ni John Lapus dahil twice in a row na siyang ginawaran ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation ng best comedy actor award.

“Laki talaga ang pasasalamat ko sa kanila dahil magkasunod na taon, nakuha ko ‘yung award. Sabi ko nga, sa sobrang pasasalamat ko sa Guillermo Mendoza ay willing akong pumunta sa mga bahay-bahay nila at ipaglinis sila at ipaglaba, kasi it’s quite an honor, na ma-recognize ka nang magkasunod na taon.”

Sa pag-alis naman ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central, nagpaalam naman daw ito nang maayos sa kanila at hindi totoong na-insecure daw ito sa pagiging regular co-host ni Jennylyn Mercado sa show.

“Oo nagpaalam siya nang maayos. ‘Yung last episode niya, nilapitan niya lahat ng staff ng Central at niyakap niya pati kami. Tsaka siyempre kaibigan ko naman ‘yan. Naintindihan ko ‘yung desisyon niya na she wants her Sunday back, kasi for the last 11 years ay nagtatrabaho siya nang Linggo.

“Hindi naman totoo ‘yang insekyuran na ‘yan. Alam naman nating lahat na bago pa  man  nag-resign si  Rufa  Mae  sa   aming programa ay nandu’n na si Jennylyn. Si Jen is actually an addition. Technically, ang pinalitan ni Jen ay si Mo Twister. So wala, definitely, I assure you na hindi insecure na tao si Rufa Mae Quinto, she just wants her Sunday back. She just wants to rest and be with her loved ones every Sunday. ‘Yun lang ‘yun.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous article2 buwan sa Paris ang boyfriend Nikki Gil, buong-buo ang tiwala kay Billy Crawford
Next articleMiss World 1st runner-up Gwendoline Ruais, aprub sa pagsali ng transgender sa beauty pageant

No posts to display