BUKAS NA ang concert ni Alex Gonzaga na maga-attempt na punuin ang Smart Araneta Colesium with her kind of jokes and antics. Totoo ba na matumal pa rin ang ticket sales kumpara sa show ni Vice Ganda ( sa same venue) na almost 85% na ang benta gayong sa May pa naman ang konsiyerto ng beki?
The other night, I was at the Gateway Mall. Sa kanilang marquee ng mga up and coming shows sa Araneta Coliseum, hindi kasama ang “The Expected Concert” ni Alex sa mga nakalagay sa marquee or shall I say standee ng mga shows nila.
Sa totoo lang, nakatatakot ang attempt na ito ni Alex sa pagmamadali na makapag-concert siya sa Big Dome, tulad ng mga nangahas at nag-succeed na sina Daniel Padilla (SRO ang dalawang concerts), Anne Curtis (SRO ang una, pero ang pangalawa ay hindi niya napuno), at itong kay Vice (pang-3rd na niya itong sa Mayo) na much popular, mas maraming followers kumpara sa estado ni Alex na ngayon lang nagsisimulang magkaroon ng following.
Mabuti na lang, salamat sa kanyang pantaseryeng Inday Bote napanonood bago mag-TV Patrol na pumapalo sa rating at nakabubuo ng following na malaking tulong kung mae-engganyo niya ang mga ito na panoorin ang show niya bukas.
Nakatatakot kasi, reality check lang po. Hindi pa sikat si Alex para punuin niya ang Araneta, na ang publiko ay bibili ng ticket niya kaysa bumili ng bigas.
Yes, kilala na siya as the sister of Toni Gonzaga, at siya si Inday sa pantaserye ng Kapamilya Network, at siya ang umaatungal sa “sing-along” portion sa ASAP na kapartner si Luis Manzano. ‘Yun lang, no more no less.
‘Pag nagkataon, kawawa naman si Joed Serrano (dating member ng That’s Entertainment) na producer ni Alex sa kanyang kaabang-abang na konsiyerto.
Reyted K
By RK VillaCorta