BALIK-TELEBISYON ang beteranang TV host-columnist na si Cristy Fermin, at may bago na itong tahanan – ang pinalalakas na TV5, na ang bagong big boss ay si Manny V. Pangilinan na siya ring nagpalakas sa Smart, PLDT, among other bigtime companies.
Since showbiz-oriented talk show ang kalibre ng mahusay na TV host, ang nasabing format ng show ang ipinagkatiwala kay Tita Cristy ng Singko. Noong una, pinag-iisipan pa raw ng TV5 kung araw ng Sabado o Linggo itatapat ang new show nito, pero ngayo’y may mas malinaw nang araw – Sunday.
And so, kung matuloy man sa same time slot, makakatapat ng Cristy Fermin show ang The Buzz ng ABS-CBN, ang pinanggalingan niyang show na ang unang nabalita, “suspension” lamang, pero hindi na siya naibalik ng network sa show, at si Kris Aquino na nga ang pumalit pagkapanganak nito kay Baby James – permanently.
Ilang taon ding naging host si Cristy ng The Buzz, maging noong Showbiz Lingo pa lamang ito, na isa sa mga unang successful talk shows ng ABS-CBN. Hindi lamang The Buzz ang makatatapat ng Cristy show sa Singko, kundi pati na ang Showbiz Central ng GMA.
Ayon sa chika, sa pagtatapos ng latest season ng Juicy, si Tita Cristy na rin ang magiging bagong host nito, on a daily basis pa rin, hindi lang batid ang timeslot. Paano kung itapat din ito sa SNN nina Kris at Boy Abunda? Masaya, ‘di ba?
Ang current Juicy hosts na sina Alex Gonzaga at IC Mendoza ay mananatili pa rin sa show pero bilang field reporters na lang, kasama ang ilang mga kasamahan sa movie press.
Ang mahirap lang diyan, malabong mag-live guesting ang exclusive talents ng Dos at Siyete sa TV5 Cristy show. Pero kung ibang style naman ang babanatan ng staff ni Cristy, like investigative showbiz reporting at puno ng scandals and scoops the Cristy Fermin way, then, may bago na tayong aabangan, huh!
WE HAVE ALWAYS believed in the new Pinoy independent cinema. Kung kaya naman, anumang suporta ang aming maibibigay ay buong-ningning naming ibinibigay sa mga tao sa likod nito.
Sila ang maliliit na indie filmmakers, producers, and practitioners, na siyang bumubuhay ngayon sa daigdig ng pelikula – ang indie filmmaking. Kung tutuusin, kung ikukumpara ang quality sa mga basurang mainstream films, eh, mas bilib kami sa indie directors.
Ang Pinoy Parazzi man ay suportado ang indie world, nag-sponsor ang pahayagang ito sa Cinemalaya 2009, dahil naniniwala kami sa vision nito sa film industry.
Well, since ang Pebrero ay buwan ng pag-ibig, ang mga bading naman sa Metro Manila ang matutuwa sa pagbabalik ng gay indie films na naipalabas sa dalawang nakaraang taon.
The Philippine Independent Filmmakers Cooperative (PIFC) and Robinsons Movieworld, invites everyone to QUEER LOVEFEST, a cinematic fiesta in pink and all the colors of the rainbow. Ipalalabas ito from February 17 to 23 sa Indie Sine ng Robinsons Galleria, Ortigas Center, Pasig City.
Sa nasabing gay film festival, muling ipalalabas ang mga pinag-usapang pelikulang may tema ng kabadingan – Ang Laro ng Buhay ni Juan (directed by Jay Altarejos); Boylets at Quicktrip (Cris Pablo); Daybreak (Adolfo Alix); Dose (Senedy Que); Heavenly Touch at Walang Kawala (Joel Lamangan); Rome and Juliet (Connie Macatuno); Boy (Aureaus Solito) at The Thank You Girls (Bebs Gohetia).
Opening film ang Ben and Sam by Mark Shandii Bacolod, ngayong 10:00 nang gabi.
Chairman ng PIFC si Direk Ellen Ongkeko-Marfil, vice chairman si Raymond Lee. Kabilang sa board members sina: Board members sina: Crisaldo Pablo, Ricky Orellana, Paul Alexander Morales, Cesar Buendia, Jay Abello. Secretary si Rica Arevalo, treasurer si Margie Templo, general manager si Jing Racelis, assistant gen. manager si Zonia Bandoyu.
Watch na, mga sister!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro