BAGO PA man binigyan ng atensyon ng TV5 ang female talents nito na sina Jasmine Curtis, Danita Paner, Eula Caballero, Ritz Azul at Arci Muñoz, ang Singko ay nag-focus sa isang versatile artist. Ito ay walang iba kundi si Alex Gonzaga.
Tagged as ‘the original Princess of TV5’, si Alex Gonzaga ang masasabing isa sa recognized personalities sa bakurang ng Singko. From talk shows to comedy skits to drama series, siguradong may exposure diyan ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.
Kung dati-rati ay halos walang pahinga ang dalaga sa dami ng proyekto niya, kapansin-pansin na tila hindi na siya ang favorite ng istasyong pinagsilbihan ng maraming taon. Huling nasilayan si Alex sa eco-fantasyang ‘Enchanted Garden’. What went wrong?
May mga usap-usapan na babalik na diumano sa ABS-CBN si Alex Gonzaga. Nakatakda na raw itong pumirma ng panibagong kontrata at kasali siya sa isang bagong soap opera. Marami ang nabibigla sa rebelasyong ito dahil ang tingin ng marami ay nasa ‘secured’ place na ito.
Balikan natin ang humble beginnings ni Alex Gonzaga sa showbiz.
Ang teen-oriented show na Let’s Go ang naging unang programa ni Cathy Gonzaga sa ABS-CBN. Kasabay niya rito ang ilan sa mga naging favorite teleserye leading ladies ng Dos tulad nina Bangs Garcia at Charee Pineda. Dahil ‘Alex’ ang pangalan niya sa nasabing programa, kalauna’y in-adopt na niya ito bilang screen name. Lumabas din ito
bilang sidekick ni Kim Chiu sa Philippine version ng ‘My Girl’.
Lumipat ito sa bakuran ng Singko noong 2008, kung saan siya ang napiling host ng daily showbiz-oriented show na ‘Juicy’. Siguro’y nakitaan ng malaking potensyal bilang talent, sinabak ito sa mas maraming proyekto tulad ng LokoMoko, Everybody Hapi at BFGF.
Sa sobrang bilib ng TV5 kay Alex Gonzaga, bigla itong sinabak sa dramahan. Ilan sa mga naging tearjerker projects niya ay ang Babaeng Hampaslupa, P.S: I Love You at Enchanted Garden. Dahil dito, tinawag din siyang ‘TV5 Primetime Princess’.
For sure ay marami ang naiinggit sa naging achievements ni Alex. Ngayon na siya ay babalik na sa original home network, we wish her the best of luck. We’re hoping to see her on the big screen (wala pang launching movie si ateh!) and hopefully, a recording contract.
Ang pag-alis ni Alex Gonzaga ay hudyat naman para sa ilang talents ng TV5 na magpakitang-gilas. Sino kaya ang papalit sa tronong iniwan niya?
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club