Alexa Ilacad, ‘di pa p’wedeng ma-in love kay Nash Aguas

Alexa-Ilacad-Nash-AguasMAPANGAHAS ANG Dreamscape Entertainment sa desisyon nila na gawin ang panghapong teleseryeng Bagito, kung saan bida sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, at Ella Cruz.

Sa isang panghapong palabas na ang target market ay ang mga kabataang, medyo delicate ang usapin o topic tungkol sa teen pregnancy, sexual awakening at peer pressures lalo pa’t ang mga nanonod ay mga bata (elementary to high school students), lalo na’t ang mga fans nina Nash at Alexa ay mga menor de edad.

Akala ko nga noong una, makakatay ng MTRCB ang palabas dahil sa timeslot nito (bago mag-TV Patrol), dahil delikadong talakayin ang isyu tungkol sa maagang pagbubuntis at ang pakikipagsapalaran ng mga lalaking kabataan sa gayong mundo bilang isang “batang ama”.

Normal lang ang usapin sa totoong buhay dahil totoo naman na nangyayari ito. Pero laking gulat ng Dreamscape at ABS-CBN Network sa magandang reaksyon ng publiko, lalo na ng mga magulang na kasabay ng mga anak nila na tagasubaybay ng palabas ay kasa-kasama nila ang kanilang mga parents sa panonood para may tagapaliwanag sa mga anak nila sa mga isyu na delicate na kailangan ng maayos na explanation para hindi ma-misinterpret ng mga kabataan ang mga isyu na ipinalalabas sa serye.

Kaya nga saludo kami sa pamunuan ng produksyon sa pagsisimula nila ng “Bagito Hangout” na isang online chatroom kung saan ang mga manonood ay puwedeng magtanong at humingi ng advise sa mga professional counsellors sa pakikipagtulungan ng Kapamilya Network sa CEFAM (Center for Family Ministries) na magsisimula sa January 19 from 6:30 pm hanggang 7:30 pm by logging in sa http://bagito.abs.cbn.com para makatuwang mga mga magulang sa pagpapaliwanag sa mga isyu na kailangang bigyang-linaw.

Ang mga fans nina Nash at Alexa, puwedeng magtanong sa mga online counsellors sa mga bagay-bagay na gusto nilang maliwanagan which for us is a positive move para sa Dreamscape Entetainment production na hindi lang ang creative aspect ang kanilang concern, kundi pati na rin ang epekto ng palabas sa kanilang captured audience.

Basta ang alam ko, hindi pa man dapat hayagang ipangalandakan ni Alexa (she’s 14 years old) na may gusto siya kay Nash, inga’t lang para hind imaging makatotohanan ang kuwento ng Bagito sa mga totoo nilang buhay.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleVice Ganda, consistent box-office star
Next articleManolo Pedrosa, ‘di takot mapagkamalang bading

No posts to display