NAPAPANOOD na pala muli sa GMA-7 ang romance-comedy series na ‘My Korean Jagiya‘. Ito ay pinagbidahan ni Heart Evangelista kasama ang K-pop idol na si Alexander Lee na dating miyembro ng ‘U-Kiss’.
Ang ‘My Korean Jagiya’ ang isa sa surprise hit series ng GMA-7 nang ipalabas ito. For the first time ay may Korean actor na kinuha ang Kapuso Network para maging leading man ng isa sa important stars ng GMA na si Heart Evangelista. Marami ang naaliw sa kuwento ng serye na kahit ang mga supporting characters nito ay naging markado ang pagganap.
Bumalik sa Seoul, South Korea si Alexander pagkatapos gawin ang proyekto sa Pilipinas. Recently ay inamin nito sa pamamagitan ng kanyang social media accounts na tulad ng mga normal na tao ay nakakaranas din siya ng depresyon dahil sa kalagayan ng mundo ngayon.
“Basically, I just wanna share about how tough and depressing the past months were for me. Like most people, I had a breakdown and even cried.
“My POINT is: You are NOT alone. If you are having a hard time, too, just let it out.
“Because it’s OK to be NOT OK. If you want to cry, just cry. Release it.”
“HOWEVER, make sure that you STAND UP AGAIN, MOVE ON, and be STRONGER. OK?
“Nowadays, people only post their most glamorous side of themselves on social media. So today, I’m not ashamed to post a bad side of myself. A crying face.
“Anyway, I just want to be honest here and give comfort to everyone who is having a hard time too. Stay strong and let’s go through this shitty time together.
“I can’t guarantee 2021 will be good. BUT I promise, you will be BETTER in 2021. God bless you. Love y’all.”
Nabasa naman ito ni Heart Evangelista at nagbigay din ng words of encouragement: “Awww love you Jun Ho. It’s gonna be ok. I’ll talk to you more about that on the phone, soon.”
Sumagot naman si Alexander: “Salamat Gia. Yup! Stay safe, meanwhile.”
“Jun Ho” at “Gia” ang pangalan ng mga karakter na ginampanan nina Alexander at Heart sa ‘My Korean Jagiya”.
Ang ‘My Korean Jagiya’ na rin ang nagsilbing huling teleserye ni Heart Evangelista sa GMA-7. Miss na rin siya ng kanyang mga fans na ngayo’y nakaabang palagi sa mga uploads nito sa kanyang successful YouTube Channel. As for Alexander, wala kaming balita kung may regular show ba ito ngayon sa South Korea. what about a reunion movie for the two soon? Want namin ‘yan!