INAMIN ni Cong. Alfred Vargas (5th District ng Quezon City) na nami-miss na niya ang pag-arte. Huli niyang naging proyekto sa TV sa ABS-CBN ang teleseryeng Mutya at Lorenzo’s Time at nagkaroon din siya ng short but memorable stint sa panibagong bersyon ng GMA-7’s Encantadia.
Latest project niya naman ngayon ang Cinemalaya film na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na idinirek ni Perry Escano.
“Na-miss ko yung mga kasamahan ko at na-miss ko yung acting talaga. Yung gagawa ka ng eksena tapos papanoorin mo isang buong pelikula na, ang ganda, ang sarap ng feeling.
“Dito naman sa politics, fulfillment talaga. Talagang damang-dama mo na marami kang natutulungan, you’re really making a difference, ganun,” kuwento niya sa amin.
Pang-limang Cinemalaya movie na ni Alfred ang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.
Ang apat pang pelikulang nagawa niya sa Cinemalaya ay ang Kolorum, Teorya, Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio at ang Separados.
Batikan na pala siya sa Cinemalaya.
“Kasi for me, it’s the best filmfest for indie. Kaya pag may panahon din lang ako at nabasa kong maganda ang script, gumagawa talaga ako sa Cinemalaya” pahayag pa ng actor-politician.
La Boka
by Leo Bukas