MATINDING pinabulaanan ng actor at Quezon City 5th District congressman na si Alfred Vargas ang bintang na diumano’y meron siyang kickback sa mga public works projects ng gobyerno sa kanyang distrito sa Quezon City.
Kasama ang pangalan ni Alfred, bida sa MMFF movie na Tagpuan, sa binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang speech last Monday, December 29, together with other lawmakers na sangkot sa corruption kahit wala pa namang konkretong ebidensya tungkol dito.
Ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang naglabas ng naturang listahan na kaagad namang pinabulaanan ni Cong. Alfred sa inisyu niyang official statement.
“The President himself stated ‘there is no solid evidence’ and ‘mentioning of names is not an indictment.’ I am certain that I will be cleared,” paliwanag ni Alfred.
Handa rin si Alfred na sumailalim sa imbestigasyon para malinis ang kanyang pangalan.
“I have been a public servant for the last 12 years. My record is unblemished. My conscience is clear. I will not allow my political detractors, who misinformed PACC, to tarnish my name and reputation with wild accusations bereft of the truth.
“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakakalaban natin sa Pulitika,” bahagi ng kanyang statement.
Samantala, ang pelikulang Tagpuan na idinirek ni Mac Alejandre at pinagbibidahan din ni Iza Calzo (bukod kay Alfred) ay nanalo bilang third best picture sa katatapos lang na MMFF virtual awards night noong December 27, 2020.