NAGING MALAKING isyu last Saturday sa Bb. Pilipinas event na isinagawa sa Bahay na Bato nang i-announce ang final and official candidates para sa 2015 Bb. Pilipinas Beauty Pageant. Hindi namin kilala nang personal ang isa sa mga “repeaters” named Ali Forbes.
After announcing the last candidate to be part of the official 2015 Bb. Pilipinas hopefuls, marami ang nag-react sa hindi pagkasali ng pangalan ni Ali who joined again for the purpose that this time, she wants a crown. Maging ang mga press photographers na nandu’n to cover the event were surprised sa hindi pagbanggit ng pangalan ni Ali as one of the official candidates.
Sa mga repeaters (tulad ni MJ Lastimosa na this time ay kandidata ng bansa sa Miss Universe 2015), isa si Ali sa hindi nabigyan ng pagkakataon, the fact na in 2012, she placed 1st Runner up at 3rd runner-up din sa Miss Grand International Beauty Pageant held in Bangkok, Thailand in 2013.
Where’s the logic? Parang hindi ko ma-gets na ako as observer, parang nagsimula na naman ang pulitika sa loob ng Bb. Pilipinas na dati nang nangyayari na palaging reklamo ng mga fashion designer at mga candidate handler.
With Ali’s impressive background, I just wonder kung bakit hindi man lang siya naisama sa mga opisyal na kandidata? Even the judges na sinasabing malaki ang puntos na ibinigay nila kay Ali ay nagtaka. From an insider, one judge at the screening was heard saying, “Ali Forbes got the highest score sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit hindi siya nakasama.”
The fact na ang pulitika sa loob ng BPCI (Binibining Pilipinas Charities, Inc.) ay hindi maiiwasan, I suggest na mag-concentrate na lang si Ali sa second season ng Pinay Beauty Queen Academy show niya, kung saan she hosts the show on GMA News TV. Seen the show twice and may future ang dalaga sa hosting.
Reyted K
By RK VillaCorta