MINAHAL NATIN SI Ali Sotto bilang radio commentator at na-miss bi-lang TV host. Sa kanyang bagong talk show na “Starbox” with Papa Jack and MJ & MM of XLR8 mapapanood ang kanyang signature brand of hosting ng Channel 7.
Ang kredibilidad ni Ali ‘di pagdududahan, seryoso niyang susuriin ang mga isyu at laging exciting ang balitaktakan. Ang chikahan with her, di lang sensible, may sense of humor pa kaya naman pumapalo na sa ra-ting ang all-in-one daily kachikahan. Bakit nga ba lulubog lilitaw ang showbiz career ni Ali Sotto ?
“Dalawa ‘yun, parang Starbucks ‘yun, it’s either, absence makes the heart go thunder or is it absence makes the heart forget ? In my case, I’m so blessed. Salamat sa Panginoon dahil tuwing aalis ako, 2000, 2003 nagpunta ako ng Mexico then I’m cameback, nag-double B pa rin ako dito (radio) sa Channel 7. Then may offer uli ‘yung asawa ko to go to Madrid, 3 years. Tuwing aalis ako, kinakabahan ako because I always take a risk na pagbalik ko, wala na akong babalikang career. Mo-desty aside, masipag naman po ako. Nag-aaral ako, kinikilala ko ‘yung co-emcee ko at marami akong kaibigan sa press.”
Sa pagbabalik ni Ali, isang talk show ba ang pinili niya kaysa maging news diva? “Nang bumalik ako, I was open to anything. Sabi ko nga, hindi ako sigurado na may babalikan akong career. Kapag 30 years ka na sa negosyong ito, may kaibigan ka sa Kapuso, may kaibigan ka sa Kapamilya at may kaibigan ka rin sa Kapatid Networks. So, lahat sila kausap ko, without any pressure. Sa akin ‘eto, nanalangin ako nang taimtim. Sabi ko, Lord, kung saan mo ako gustong ilagay or I will test do your work, ‘yun po sana ang matuloy. At ito po ang natuloy at nabuo na show.”
Anong mga show ang ini-offer sa ‘yo ng ibang network? “When I met with Kapamilya, ang sabi sa akin, Ali, kinukuha ka namin kung ano ang gusto mong gawin. ‘Yan ang sinabi sa akin during the meeting. Nakausap ko din sina Regie Magno at si Wilma Galvante. Sa channel 2 naman, I was meeting already with radio executive at mayroon dalawang concept that was presented to me na hindi ko naman nagustuhan. Nagdasal ako kung saan ako gustong ilagay ng Panginoon.”
Aware ba si Ali ipangtatapat ang Starbox sa Face to Face ni Amy Perez? “Hindi ko alam ang programming nila. Basta ako, ito ‘yung timeslot, I did not consider the competition. Honest to God, hindi ko pa napapanood ang Face to Face. It’s a type of show na panonoorin nga ng tao, there’s a certain market share for that na panonoorin pero hindi siya papasukin ng adverti-sers. And I would rather be part of the show na alam mo na ang advertising industry will support you.”
May pressure ba kay Ali na puro baguhan ang kasama niya sa show? “Wala. Magaling si Papa Jack, malaki ang following n’yan sa radio. Gusto ko siya kasi baliw at prangka. Malakas ang dating niya sa mga kafatid sa pana-nampalataya. ‘Yung dalawang bagets, mayroon naman silang kilig factor. Kahit na you know the competition your doing, ang pressure lang sa ‘yo is to do your best, ‘yun lang. Be your self, first and foremost.”
Kahit nakapag-asawa na uli si Ali, patuloy pa rin niyang ginagamit ang screen name na Ali Sotto. “Kasi when I started, Aloha ako, ‘di ba? Tapos, nagpalit ako, when I went back to showbiz in 1987, ginawang Ali Sotto ni Vic del Rosario, right? So, kung magpapalit ako for the third time parang source of confussion, ‘di ba? With blessing naman ng Sotto clan, wala naman pinakitang masama sa akin. Up to now, ‘pag mayroon silang wedding or important milestone in the Sotto clan, kasali pa rin naman ako, ‘di ba?” Masayang kuwento ni Ali na very positive ang attitude in life.
THIS APRIL 30, Saturday, 10PM may show si Nyoy Volante sa Zirkoh, Tomas Morato entitled “2Much Love…N’yoy” with Jovit Baldivino, Laarni Lozada with special guests Marc Cubales, MJ Ringor, John Limon and Ms. Cynthia Sol, “The Amazing Dancing Diva.”
Ticket prize, P600 and P1,000. See you there!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield