NAMATAY NA pala ang ina ni Alice Dixson na si Mrs. Socorro Celones-Dixson last May. Year 2012 ay na-diagnose na may Alzheimer’s disease ang kanyang ina at tahimik lang at sinarili ni Alice ang tungkol sa nangyari sa kanyang ina. Walang nakaaalam sa showbiz na dumaan pala sa isang malungkot na sitwasyon ang pamilya ng actress.
Nagpapasalamat si Alice sa GMA 7 dahil inalok siya para makasama sa remake ng teleseryeng Miramar na pinagbidahan noon nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Sa remake, gaganap siyang ina ni Megan Young na siyang gaganap sa dating role ni Marian at katambal ni Tom Rodriquez kung walang magiging pagbabago.
Matatandaang naging madali kay Alice noon na maka-move-on sa mga problemang kinaharap nang maging masalimuot ang kanyang marriage nang kunin siya ng TV5 at papirmahin ng four-year contract.
Tamang-tama naman nang matapos ang contract niya sa Kapatid Network, biglang dumating ang offer ng GMA 7, na tamang-tama rin para makatulong makalimot sa pinagdaraanang pagkamatay ng kanyang ina.
Naging madali kasi kay Alice ang makalimot ng problema kapag may trabaho dahil nalilibang nito ang sarili at kahit paano ay lunas din ito ng kanyang mga pinagdaanang kalungkutan.
Hindi naman itinatanggi ni Alice na ang TV5 ang nagbigay sa kanya muli ng pagkakataon bumalik sa showbiz matapos ang matagal niyang pamamahinga sa pag-arte dahil nag-abroad at nag-asawa nga.
Year 2011 nang magsimula siya sa TV5 para gawin ang mga seryeng pinag-usapan at gumawa rin siya ng sitcom dito.
Sa pagpasok niya sa GMA 7, naibulalas ni Alice na nanibago siya sa environment noong mag-first day taping ng Marimar.
“Being with a new group, a new director, it was a little… hindi naman nerve-wracking. I didn’t know what to expect.
“But after our morning meeting and then nakapag-tape na rin kami. I felt more back at home,” masayang say ni Alice.
Sa susunod ay tatanungin namin kung bakit napapayag siyang gumanap na ina ni Megan sa Miramar?
Hindi ba siya natatakot na mother role din ang ipagkatiwala sa kanya sa mga susunod niyang project sa Kapuso Network?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo