Whoaah! Isang babaeng kahit sa hinala natin ay ‘di kayang maisip sa kasikatan, na tila ayaw paawat at kaya nang mag-demand. Ayon sa kanya, kinausap siya ni Lucy na ‘wag na ‘di mag- guest sa Shall We Dance. Grabeh nga ang babaeng ito. Madasalin siyang tao at ‘instant celebrity’ na ngayon.
Kailan lang, debutante siya at foreign journalists pa ang sumubaybay sa kanya. Ang sikat na ina ni Manny Pacquiao at pride na rin ng GenSan – ang dating Aling Dionisia na Mommy Dionisia na ngayon.
Nanay anong pakiramdam ninyong sikat na kayo? “Siyempre masayang-masaya ako talaga.” Kapag nagpe-Facebook ako, meron dun sinong mas maganda sa inyo ni Katrina Halili, alam ninyo ba kayo ang pinipili? “Ako ang pinipili nila, hah, baka subrang idol nila sa aken.”
Katawa si Nanay Dionisia wala akong makitang kaplastikan at sasabihin niya kung ano ang nararamdaman niya. Kasi nanay kayo ni Pacquiao, sikat kayo, kumbaga bago si Manny nanay muna. “Ay oo, siyempre. Sabi nga nila, hindi magaling si Manny kung hindi magaling nga nanay.”
Pero kaya mo namang mangboksing ‘no? “Ay kayang-kaya ku talaga ‘yun hah.” Alam mo si Nora sinabi niyang walang himala. “Ewan ko lang.” Ay hindi ninyo alam? Si Nora Aunor may pelikulang Walang Himala pero kayo brineyk n’yo kasi meron kayong himala. “Ay noon si Nora, hindi man ako nakita sa show bakit?” “Ay Himala, kasi Himala, pinagbigay nga ang nanampala sa Panginoon, may tiwala ka sa Panginoon magbigay siya, bigay ke tayo basta manela ka lang sa Ginoo (Panginoon), bigyan ka niya ng maraming biyaya. ‘Andiyan na, ngabasa ko sa Kapalaran na parang nakita darating lang na magdadala ako ng kayamanan, sa bisaya ba nangasabak na agook kang kaswertehan ba.”
Ngayon ho, bakit kayo nahihilig sa sayaw? “Siyempre, ke libangan ko lang.” Ano pa ba ang mga hilig ninyo? “Ay kanta, hahahahha.” Eh, baka naman matauban ninyo si Manny? “Ay puwede, nagmana naman saken.” Kumusta ‘yung dati ninyong asawa, iyong tatay ni Pacquiao, may asawa na siya? “Ay wala naman siya’y ano ha sa communication, wala naman talaga kasi may iba na siya na kasama. Kahit may iba siyang kasama, ok lang sa aken kaya maybuti lang nandiyan na siya.” Pero dapat buo kayo ‘di ba? “Aha, alam naman sa mga anak ko sori na.”
Buti hindi ninyo sinapak iyong babae? “Hahaha…hindi ako masyado kay nagsalita kay mga kagawad mga bantay nga sa amen, sige na sampalin mo kay babae, ha tinuruan nga nila ako nga sabunutin mo kay babae, sabi ko gusto ba ninyo kap, kay kagawad nga, payag ba kayo nga maggawa ako ng masama, hindi nga ako ganyan nga pagkababae, andun man siya sa iba, ibigay ko siya sa kanya.”
Paano kung dumating ang araw, lumapit sa iyo, lumuhod, humingi sa ‘yo ng tawad? “Balik man pagka-pangatlo, pangatlo na nga hindi kita tinanggap, tinanggap na kita pero, ‘di baling magkasama pa tayo, ‘wag na, nagalit man siya kaya magtalikod man ako.”
Tungkol naman sa guesting niya sa Shall We Dance, “Ay syimpre, tinawag nila ako nga, sabi puwede ba ‘wag n’ya ako kay tanggihin sabi n’ya Lucy. Si Lucy ang nagsabi na ako gyud mismo ang nag-imbita sa iyo nanay.” May balita ako si Annabel Rama iniimbita kayo noon na magkaroon ng shooting at tinanggihan ninyo. “Ay ang sabi ko ay sori, ‘di ako magsali ng artista!” Ano? ‘Di ba sikat siya? Hirit pa kayo? Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.