USAP-USAPANG MEDYO WORRIED daw ngayon si Aljur Abrenica hinggil sa kung ano na ang susunod na mangyayari sa kanyang career. Natapos kasi ang pinagbidahan niyang Machete na hindi nakaalagwa nang husto sa ratings.
Parang hindi rin nakatulong ang pagba-balik-tambalan nila ni Kris Bernal sa huling bahagi ng nasabing serye. May mga nang-iintriga pa nga, hindi pa raw dapat mag-i-end ang Machete. Pero dahil hindi raw humahataw sa ratings, minabuti na lang daw tapusin na nga ito.
Right now, wala pang ingay kung ano ba ang siguradong susunod na magiging pro-ject ni Aljur sa GMA-7. Wala pa rin namang feedback o ipinahahayag na interes ang ABS-CBN o ang TV 5 sa bulung-bulungan nag-iisip na umanong umalis ang aktor sa bakuran ng Kapuso.
May mga close naman kay Aljur na tsini-cheer up ngayon ang binata. Gumawa rin naman daw ng ingay ang pagbibida niya sa Machete. Pinag-usapan naman umano ang ganda ng katawan niya na lutang ang tikas dahil sa kanyang costume na halos bahag na lang. May iba nga rin daw na kapag nakikita siya in person ay ‘Machete’ na ang tawag sa kanya.
Hindi pala alam ni Aljur na may bagong tayong gaybar ngayon na ‘Machete’ ang pangalan. Nang mabanggit daw ito sa aktor ng isang reporter na close sa kanya, natuwa naman daw ang binata. Flattering daw for him na may gaybar pala na isinunod sa name ng kanyang character sa katatapos ngang series na bida siya.
At dahil natuwa si Aljur, ikatuwa din kaya niya kung halimbawa, imbitahan siyang mag-personal appearance sa nasabing gay bar? Gugustuhin ba niyang maging pang-gaybar na lang ang kaguwapuhan niya?
Sa palagay n’yo?
KAHIT ABALA SA pag-aasikaso ng mata-gumpay na ensaymada business ng pamilya nila na Megamelt, hindi pa rin nawawala at nasa puso pa rin daw ni Niño Muhlach ang showbiz. Kaya lang, tanggap na niyang iba na ang situwasyon ngayon kumpara noong mga panahong namamayagpag siya bilang kaisa-isang child wonder ng bansa na until now ay wala pang nakaka-duplicate na sinuman sa mga nagsisipagsulputang childstars.
Nung time ng kasikatan niya bilang child actor, lagi raw ipinaaalala sa kanya ng daddy niyang si Cheng Muhlach na once you’re up, there’s no way to go but down. Kaya naging madali daw for him ang acceptance nang lumipas na ang kasikatan niya. Nang magbinata, he ended up playing sidekick roles sa ilang action stars until it came to point na hindi na siya naging visible sa pelikula o maging sa telebisyon.
Sa pagdidirek sa teatro naman siya luminya. Ilan sa mga stageplays na ginawa niya ay ang El Filibusterismo, Noli Me Ta-ngere, Ibong Adarna, at Florante At Laura. Kasunod naman nito ay ‘yong pagdidirek din niya ng mga music videos.
“Recently, I just finished directing an indie film, ‘yong Basilio at Juli,” aniya nang makakuwentuhan namin recently. “It’s a period film na lovestory. Ako rin ang cinematographer. Wala pa siyang playdate. Magku-compete muna ito sa mga film festivals abroad. And I’m happy na may mga invitations na.
“Unang production ito ng Digital Wonder Films. Kumbaga, ni-revive ko ‘yong production namin dati na Wonder Films. At plano kong ituluy-tuloy lang ang pagpu-produce at pagdidirek ng mga indie films.
“Nag-aral ako ng general filmmaking under Direk Marilou (Diaz Abaya) sa Asia Pacific Film Ins-titute. Two years ‘yon. Kasama sa pinag-aralan ko ‘yong cinematography at ‘yong sound supervision. Tapos nag-aral din ako ng TV directing kay Johnny Manahan sa ABS-CBN.
Meron din daw siyang gustong i-remake na pelikulang pinagbidahan niya noon. Pero hindi pa niya masabi kung kailan.
“’Yung Kuwatog. Gusto ko ring gawin ‘yong Ang Tatay Kong Nanay. Sigu-ro in five years, kung gugustuhin ng bunso ko na mag-artista nga, baka sila ni Epi Quizon kapag ni-remake ko ‘yung movie na pinagsamahan namin ni Tito Dolphy noon. Para anak nina Dolphy at anak ni Niño Muhlach.
“Kung para sa panganay ko naman, kasi he’s already 9 years old, so pang teen idol na dapat.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan