Unang Hollywood film ni Iza Calzado ang The Echo, remake ng Pinoy horror film na Sigaw, kaya todo ang suporta ng mga artista para sa kanya lalo na noong premiere night nito. Kaya naman nakapagtatakang nang-agaw ng spotlight itong sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa nasabing premiere night. Movie n’yo ba ito? Bakit kailangang magbigay ng bouquet of flowers si Aljur kay Kris sa mismong premiere night? Wala na bang ibang chance na p’wedeng magbigay ng flowers? Staged ba ito? Baka naman advanced pag-po-promote ito para sa movie nilang Nandito Ako.. Nagmamahal Sa’yo? Takot na bang malugi si Mother Lily? Nagtatananong lang…
By Faith Salazar, Photos by Allan F. Sancon
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service