KASADO NA ang pagbabalik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa isang bagong primetime series ng GMA-7. Parehong excited na ang dalawa habang hinihintay ang pagsisimula ng kanilang taping.
“It’s a big project for us,” sabi nga ni Kris nang makakuwentuhan namin kamakailan. “It’s a good comeback project for us. Maganda ‘yong proyekto. But, medyo pressured din kami. Pero I’ll give my hundred percent performance do’n.”
Kasama nila si Rhian Ramos bilang ka-love trinagle nila ni Aljur sa istorya?
“No. Actually it was changed. Ah… kasi no’ng una, usap-usapan pa lang, eh. Na magsasama ulit kami ni Aljur sa isang serye. Eh, siyempre may mga changes. May mga kailangang… kasi pinaghahandaan talaga ng GMA, eh. Gusto talaga nila, parang ‘yong pagbabalik namin, malaki talaga. ‘Yong maganda. So, may mga pagbabago.
“No’ng una, alam ko supposed to be kasama namin si Ms. Rhian. But I think they also have bigger plans for Rhian. So, baka kaming dalawa muna ni Aljur. Pero sa ngayon hindi pa rin confirmed, eh. Kaya hindi ko pa rin masarado!” sabay ngiti ulit ni Kris.
Ano ang tema ng bagong seryeng pagtatambalan nila ni Aljur? Ano ang story at characters na gagampanan nila?
“I cannot tell much yet about the show. Pero ‘yong character ko, it’s something different na hindi ko pa nagawa. Basta siguro ang maibibigay ko lang na hint… siguro nakikita sa ibang shows ko na kikay at maarte ako. At sa bagong gagawin namin ni Aljur, it’s the exact opposite of what I really am.
“It’s ano talaga… something really really new. It’s exciting ‘coz… dream ko rin ito, eh. It’s a romantic-comedy. Light lang siya. Yeah! So I hope magawa ko siya nang maayos. Kasi it’s my first time to do a comedy.”
Single siya ngayon. Sa muling pagtatambal nila ni Aljur, kahit may ibang nali-link ngayon sa aktor, hindi maiaalis na may mga fans na mag-ilusyong baka posible pa na magkagustuhan at maging sila sa totoong buhay rin.
“Uhm… lets’ see. But as of now, we’re happy being friends lang. And, ah… tingnan natin. At saka ayoko kasing manggaling sa akin, eh. Kasi sa lalaki dapat ‘yon nauuna. A-yoko namang mangga-ling sa akin. So, tingnan natin. Pero kami kasi ni Aljur, sobrang focused namin sa work. And ‘yon ang priority namin. At saka we’re happy about our friendship. ‘Yong level ng friendship namin.”
May mga admirers siya at mga manliligaw. Pero bakit tila wala siyang napupusuan sa mga ito at tumatagal na loveless pa rin siya?
“Maybe… ewan ko. Honestly, I’m very picky!” sabay bungis-ngis niya. “Mapili ako. At saka talagang kapag sinasabi kong may nanliligaw, nanliligaw pa lang, kinikilala ko talaga. So, minsan ‘yong ibang tao, sinasabi nila na… ang tagal naman ng panliligaw na ‘yan! Bakit daw hindi pa sinasagot. Eh, talagang kinikilala ko, eh. Siyempre pagtagal… mas nakikilala mo.”
This time, mas gugustuhin ba niyang non-showbiz na lang ang sunod niyang maging karelasyon?
“Actually ano naman, eh… kahit ano. Kahit showbiz o non-showbiz, hindi ko naman iniisip na… ‘yong differences nila. As long as makita ko ‘yong hinahanap ko. At para sa akin, ‘yong worth ng pagod ko, ng effort ko, at ng pagmamahal ko. ‘Yon!”.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan