MAY KAKAIBANG karisma ang tandem nina Aljur Abrenica at Kris Bernal kaya’t patok sa manonood ang kanilang romantic-comedy na Coffee Prince ng GMA 7. Hindi man sila nagkatuluyan in real life, patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang kanilang loveteam.
In fairness, maganda ang takbo ng istorya, swak sa personality ng dalawa ang bawat character na pino-portray nila sa nasabing soap. Maraming nakaka-kilig na eksena sina Aljur at Kris, hindi pilit. Nakakaaliw silang panoorin. Gusto namin ang mga moments nila together, napaka-natural.
Hindi kailangan ni Aljur magpaka-dramatic actor dahil hindi naman ito drama series. ‘Yung pagiging natural sa bawat eksena ay sapat na para magampanan nang tama ang role na ginagampanan niya. Alam naming hindi pa handa ang binata sa mga mabibigat na role na hahamon sa kakayahan niya
bilang actor. Naniniwala kaming darating ‘yung time na magiging isang mahusay na dramatic actor din ang binata.
Tahimik ngayon ang lovelife ni Aljur kahit alam na-ting mag-dyowa pa rin sila ni Kylie Padilla. Gusto nilang maging private ang kanilang relationship. Focus muna sila sa kani-kanilang showbiz career. Kahit bihira lang magkita, tuloy pa rin ang communication nila. Malaya silang nakakapag-usap through cellphone at ini-enjoy nila kung anuman mayroon sila sa ngayon.
NAIIBA SA lahat ang show ni Sharon Cuneta. Iba’t ibang istorya ng buhay sa bawat episode ang tinatalakay sa kanyang programa araw-araw tuwing hapon. Para ngang teleserye ang mga kuwento ng ilang natin kababayang panauhin niya sa show. Kung minsan nga, hirap magtanong si Mega sa kanyang mga guest tungkol sa personal na buhay na pinagdadaanan ng mga ito.
Nand’yan ang istorya ng mag-asawang dancer at callboy at may mother na pokpok. Ikinuwento rin ng lalaki na nagkaroon rin siya ng relasyon sa isang may edad na bading for two years. Nag-live-in sila together and then, later on nalaman niya na ang gay na kinakasama ay tatay pala niya. Mayroon pang isang episode na dahil sa kahirapan, ang babae nagbebenta ng bata sa bawat panganganak niya. Sa ngayon, ang babae hindi na puwedeng mag-anak dahil numipis na ang matres nito.
Bawat tao’y may kanya-ka-nyang kapalaran na kung minsan hindi natin kontrolado kung ano ang puwedeng mangyari. Kung minsan, hindi mapigilan ni Sharon ang maiyak dahil sa mga totoong kuwento na ibinabahagi sa kanya at kinapupulutan ng aral ng mga manonood.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield