SIMPLE LANG ang gusto ni Aljur Abrenica na pagsi-celebrate nila ni Kylie Padilla ng Valentine’s Day. Road travel ang naisip niya para umano kakaiba.
“Kung saan man kami dadalhin, gusto ko ando’n lang kami,” aniya. “‘Yong gano’ng moments like… ‘yong mga gano’n kapag minsan na ‘yong mga simple, iyon naman ang nagiging meaningful, eh. It just popped out in my mind. Kasi isip ako nang isip, eh. Bigla na lang pumasok sa isip ko ‘yong gano’n na… road trip. Sabi ko, kakaiba nga iyon na hindi ko pa talaga nagagawa.
“Na habang nagru-roadtrip kami, we’ll be taking pictures. Na spend time together lang. Na ‘yong mga moments worth remembering. And iyon din nga ang gusto ko… to take pictures.
“Ang sa tingin ko ay interesting na puntahan namin is somewhere sa north. Kasi unang-una, hindi masyadong traffic ‘yong pa-north. Maganda ‘yong daan. And relaxing ‘yong pagda-drive do’n, eh. Kung merong time, iyon ang gagawin ko. Kung wala at may trabaho pa rin, eh… postponed muna. Kasi, naghahabol na rin kami for Kambal Sirena. Kaya kailangang bigyan ko rin muna ng priority.”
Si Kylie, may taping din daw para naman sa pinagbibidahan nitong fantasy series na Adarna.
“’Yon… patay!” nangiti ulit na reaksiyon ni Aljur.
So malamang, pupuntahan na lang niya si Kylie sa taping para kahit sandali ay makapag-spend sila ng time together sa Valentine’s Day?
“It depends. Tingnan natin. Eh, sa akin naman, hindi ko kailangang mahigitan ‘yong mga pangsu-sirprise na ginawa ko sa kanya before. Basta as long as your intention is good. At saka ‘yong nararamdaman mo ay mai-express mo. Iyon na ‘yon. Wala ka nang kailangang higitan. Okey na ‘yon, ‘di ba?”
Medyo open na si Aljur na matanong at magsalita tungkol sa kanilang dalawa ni Kylie. Dati kasi, naiilang siya. Si Kylie rin, madalaas ay kinikilig kapag natatanong din about him. Tila nga relaxed na sila na mapag-usapan ang real life lovestory nila.
“Well, that’s nice! Eh, kasi… growing up, ‘di ba? And we want to be a good example sa mga tao. Na as we grow up, we’re getting stronger individually. And we support each other. Ito kasing relationship naming ito, as much as possible, we want it to be inspiring para sa ibang tao.”
Nabanggit din ni Kylie, kung minsan daw ay binibigyan sila ng advice ng ama nitong si Robin Padilla tungkol sa kahalagahan ng fallback bukod sa pag-aartista.
“Ang fallback naman na nasa isip ko… business. I’m looking fowrad to putting up my own business. Tapos meron na nga akong ongoing na business sa Batangas,” pagtukoy niya sa bar and restaurant nila ng kanyang pamilya roon. “It’s doing good naman. And gusto kong mag-start ng iba pang business bukod do’n.”
Excited si Aljur sa kanyang role bilang leading man ni Louise delos Reyes sa kambal Sirena. Nag-undergo siya ng diving lesson para sa under water scenes siya rito.
“Happy ako sa first time na pagtatambal namin ni Louise. Kasi it’s a different formula kumpara sa mga nagawa ko dati. Tapos it’s a big project talaga. Si Louise is one of the fastest rising stars sa ngayon. Napakagaling niyang artista. Kaya bukod sa pakikipagtrabaho sa kanya, excited na rin akong mas makilala pa siya. I’m really looking forward sa mga bagay na matutunan ko sa kanya. I’m looking forward din sa mga bagay na maisi-share ko sa kanya. I’m sure magiging maganda ang working relationship naming dalawa.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan