Bongga at nadagdag sa listahan ko si Aljur Abrenica na maituturing na art collector na mga taga-showbiz.
Si Coco Martin, nang ipinakita niya sa publiko ang kanyang bagogn bahay sa Kyusi sa show na Kris TV ni Kris Aquino noon, marami ang namangha sa ganda ng resort-like haybols ng aktor.
Maging ang mga art collection niya, hindi basta-basta. Sa show na ‘yun ko nalaman na hindi pala kilala ni Kris ang glass sculptor na si Ramon Orlina nang ipinagmalaki ni Coco ang isang obra ng iskultor kay Tetay na nasa collection niya.
Impressive ang art collection ni Coco. Maging ang main door niya ay gawa ng National Artist na si Abdulmari Imao na siyang nag-konsepto at gumawa ng design ng Sarimanok.
Ang newscaster na si Julius Babao, matindi rin ang mga modern and pop art collection niya. Ang alam ko, favorite niya si Elmer Borlongan na para sa amin ay isa sa mga protest artist na idol namin noon pang dekada ’80.
Si John Lloyd Cruz, kadalasang napagkikita sa mga art galleries at sa mga opening ng mga art shows, kung saan bumibili siya ng art pieces para maging part ng personal collection niya. Sabi ng kaibigang Mario Dumaual ng TV Patrol, wala pa naman daw sa mga koleksyon ng mga art works ni Lloydie ang mga nasa listahan ng mga National Artists, pero marami ring mga kaibigang mga visual artists si JLC na kung hindi lang siya abala sa promo ng MMFF 2015 entry niya na “Honor Thy Father” last year ay baka pumunta siya sa Berlin, Germany last November 2015 para dumalo sa opening ng isang art exhibit ng kaibigan niya para magbigay-suporta.
Pero si Aljur Abrenica, talbog silang lahat. Mayroon siyang Amorsolo painting na ayon sa source namin, costs almost P50 million kung manggagaling sa mga art houses.
Bukod sa ilang Amorsolo personal collections niya, may iba pang mga sikat na mga pintor na pag-aari si Aljur.
Pero tanong ng mga nakaaalam: how can Aljur afford such art pieces na napaka-expensive gayong magkano lang naman ang talent fee niya sa kanyang afternoon show sa GMA Kapuso Network?
Wala naman siyang TV commercials at endorsements para malaki ang kita.
Kung saan man galing ang pinambili ng binata sa mga art pieces na nasa koleksyon niya, nice for him. At least alam niya ang worth ng mga ‘yun at alam niya ang kanyang ginagawa at pinaghahandaan niya ang kanyang kinabukasan.
Balita ko, palaging sambit daw ngayon ni Aljur tuwing may bagong art piece siya ay, “Salamat Dok!”
Reyted K
By RK VillaCorta