VERY HONEST ang isa sa GMAAC prime artist na si Aljur Abrenica na nagtampo siya sa GMA-7 nang medyo natagalan bago siya nabigyan muli ng proyekto after Coffee Prince na naging dahilan na kamuntik-muntikan ng paglisan sa kanyang home studio.
Pero okey na raw ang lahat dahil nakapag-usap nila sila ng GMA-7 at meron siyang show kasama ang kanyang ka-loveteam na si Kris Bernal, ang Prinsesa ng Masa, bukod pa sa participation nito sa Indio.
“I admit namang nagtampo ako kasi ang tagal nang wala, eh. Normal lang naman ‘yun. But GMA already talked to me and I’m happy now.
“Mahal ko naman talaga ang GMA so ayoko ring umalis dito. Meron daw new show for me and Kris Bernal, ‘Prinsesa ng Masa’, but sa July pa ‘yun.
“Meantime, papasok muna ako sa ‘Indio’ as Bagani, a warrior na tutulungan si Sen. Bong Revilla nang mawalan siya ng powers. I’ll start taping this weekend at sa week 6 daw ang pasok ng character ko.
“I will also play the lead role in an episode of Magpakailanman this March. It’s about an actor na naging macho dancer before he joined showbiz, pero hindi ko puwedeng i-reveal ang identity ng actor (we’re told it’s Kristofer King of Serbis, Oros).
“I’m excited pero kinakabahan din kasi may macho dancing scenes ako. Naghahanap nga ako ng magtuturo sa ‘kin how to do it. I’m sure hindi naman ‘yun magiging sobra kasi sa TV ito ipalalabas. Nandiyan ang MTRCB para bantayan kami,” pagtatapos ni Aljur.
MASAYA ANG isa sa mahusay umarte among GMA-7 young actors na si Kristoffer Martin, everytime na may magsasabing isa siya sa puwedeng humalili sa mga iiwang puwesto ng mga Drama King ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, atbp.
Ayon nga ka’y Kristoffer, na hindi raw niya ito iniisip. Para raw sa kanya ay ibinibigay lang niya ang kanyang 100% na puwede niyang ibigay sa mga trabahong ibinibigay sa kanya ng GMA-7, bilang pasasalamat na rin daw sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang home studio.
Right now nga ay binigyan siya ng proyektong leading man siya ng co-Tweens nito na si Kim Komatsu na kauna-unahang magbibida sa afternoon soap na Serpentina, Ang Kakambal ni Eliana, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa GMA bosses.
Isa nga sa wish ni Kristoffer ngayon na sana raw ay tanggapin ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim na first time nitong makakapareha sa isang proyekto. Nakasama na raw nito si Kim sa indie film na Oros pero konti lang daw ang kanilang naging eksena, hindi raw katulad sa pagsasamahan nilang soap na halos karamihan ng eksena ay sila ang magkasama.
FROM PAGARI, Mohammad Abdulla na may premiere night sa March 19 sa SM Megamall Cinema 7 at may regular showing sa March 20 sa selected SM cinemas, may next movie na ang isa sa naging miyembro ng XLR8 na si Arkin Del Rosario at ito ay ang pelikula ng Viva Films na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi na pagbibidahan nina Alice Dixson, Andi Eigenmann at Gabby Concepcion.
At kanyang 2nd movie raw ay hatid ng kanyang home studio, ang Viva Films kaya naman daw very thankful siya kay Boss Vic Del Rosario at Boss Veronique Del Rosario dahil isinama siya sa nasabing pelikula, kung saan kaibigan ni Andi ang kanyang role na ginagampanan.
Kuwento pa ni Arkin na pag-arte raw talaga ang kanyang first love, kung saan bago siya naging miyembro ng XLR8 ay marami na siyang nilabasang stage play, kung saan isa sa ginawa niya ay ginawaran siya ng award bilang Best New Male Stage Actor. Kaya naman daw gusto niyang gumawa ng pelikula at soap para magamit niya ang kanyang acting skills.
John’s Point
by John Fontanilla